Abante Tonite Interactive

Phivolcs gigisahin ng Kamara

0 471

Sa inihaing resolusyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, sinabi nitong bagama’t kinikilala at pina­pahalagahan niya ang trabahong ginagampanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mahalaga pa ring maimbestigahan kung naging komprehensibo ang isinagawa nitong monitoring bunsod ng biglaang pagsabog ng Bulkang Taal.

Bukod dito, kailangan din umanong malaman kung mayroon itong sapat na technical expertise para magkaroon ng tamang forecast sa pagputok ng bulkan ang ahensya.

“Although Phivolcs has stated that it raised a war­ning of Level 1 since March of 2019, there is clearly a lack of dissemination of information in the hazards of volcanic activity in Taal to the general public and more particularly to its nearby cities and municipalities of Cavite, Laguna and Batangas,” ayon sa resolusyon.

Bukod dito, tinukoy pa sa resoluyon na maha­laga ring malaman kung kailangang pagbutihin pa ang ginagawang pagtugon ng iba’t ibang ahensiya tulad ng PNP, DSWD, NDRRMC at local government upang maibsan ang matinding pinsala kapag may ganitong mga sakuna. (Eralyn Prado/JC Cahinhinan)