Abante Tonite Interactive

Phivolcs pinag-initan ng mambabatas

535

Mainit daw ang ulo ngayon ng isang mambabatas sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil hindi nito natunugan ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Dapat daw kasi ay alam ng Phivolcs na sasa­bog na ang Taal noong Linggo para naman mabigyan ng babala ang mga residente sa paligid ng bulkan.
Nanggagalaiti ang mam­babatas dahil natabunan ng makapal na abo ang kanyang rest house sa Tagaytay City.

Bukod dito, may farm pa siya sa Batangas at malapit nang anihin ang mga pananim niya pero nasira ito dahil nabalot ng mga abo.

Sa sobrang galit ng mambabatas, aba’y hindi lang ang kanyang mukha ang namumula kundi ang pa­not niyang ulo.

Clue: Ang mambabatas na nanggagalaiti sa Phi­volcs ay miyembro ng political dynasty at may letrang D sa kanyang pangalan.