Abante Tonite Interactive

Phivolcs pumalpak sa disaster info campaign; libo-libong materyales sinayang

By
237

Bigo ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) na ipamahagi ang ­libo-libong information and education campaign (IEC) materials ukol sa earthquakes and volcanic eruptions, ayon sa Commission on Audit (COA).

Sa Disaster Risk Reduction Management Audit ng COA, lumitaw na ang Phivolcs ay nakapamahagi lamang ng 34 percent ng kabuuang 261,307 kopya ng printed IEC materials nationwide para sa 2016 at 2017, dahilan upang hindi napakinabangan ang halos 700,000 kopya.

Ang IEC materials ay siyang magbibigay ng public awareness o kaala­man sa publiko ukol sa disaster preparedness and risk reduction, partikular sa mga panahon ng kala­midad o major earthquake kaugnay ng pinangangambahang “Big One”, na sinasabing tatama sa Metro Manila at kalapit na probinsya dahil sa paggalaw ng West Valley Fault.

Ngunit ayon pa sa COA, hindi naisakatuparan ang layunin dahil na rin sa pagkabigo ng Phivolcs na ipama­hagi ang naturang materyales sa publiko nang maayos.

Inirekomenda ng COA sa Phivolcs na makipag-ugnayan rin sa mga LGUs, national government agencies at private organizations sa pamamahagi ng IEC materials sa komunidad.