Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phivolcs: Tsunami nakaamba sa Bulkang Taal

0 113

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng isa pang pagsabog ng Taal Volcano ang maaaring mangyari anumang oras kasabay ng posibilidad ng pagkakaroon ng volcanic tsunami kaya mahigpit na inirerekomenda ng ahensya ang evacuation sa high-risk areas sa Batangas kabilang ang Barangay Bilibinwang at Banyaga sa munisipalidad ng Agoncillo at Barangays Buso-buso, Gulod, Bugaan East sa bayan ng Laurel.

Ayon sa Phivolcs ang inaasahang pagsabog ay gaya noong nakaraang Linggo at hindi pa ang katulad noong taong 2020.

Patuloy ang aktidad ng Taal kung saan sa loob ng 24 oras ay nakapagtala ng 26 na volcanic earthquakes at naitala din ang pinakamataas na ibinugang sulfur dioxide (SO2) gas na nasa 22,628 tonnes.

Ayon sa Phivolcs, ang mataas na SO2 emission ay indikasyon na may magmatic extrusion sa main crater na maaaring humantong sa pagsabog. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.