Abante Tonite Interactive

PHL football teams sasabak na

By
6

Limang araw bago pa opisyal na magbukas ang 29th Southeast Asian Games 2017 sisipa na ang national men’s and women’s football teams sa National Stadium at UM Arena, at ang women’s netball squad sa Agosto 14 sa Bukit Kiara National Sports Complex sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Patapos na ang training ng men’s Under-22 soccer team sa Japan pati ng women’s team.

Nasa ilalim ni coach Marlon Maro, kasama ng U22 XI sa Group B ang Cambodia, Indonesia, Thailand, Timor Leste, at Vietnam.

Kaka-fourth place lang ng Pinoy booters sa Asian Football Confederation Under-23 Championship 2018 Qualifiers. Pagkatapos ng SEA Games sa Aug. 19-30, tatadyak din agad ang women’s team ni coach Marnelli Dimzon sa AFC Women’s Asian Cup Jordan 2018.

Mapapasabak ang mga Pinay sa Malaysia, Myanmar, Thailand, at Vietnam.

Nasa landas ng women’s netball team ang Thailand sa Aug. 15, bago ang Brunei sa Aug. 16, Singapore (Aug. 17) at Malaysia (Aug. 18).