Abante Tonite Interactive

PHL ungos sa Nigeria

177

Sinulong ni Asia’s first Grandmaster ­Eugene Torre ang pangatlong s­unod na panalo para tulu­ngan ang Philippine chess team na pisakin ang ­Nigeria 3-1 sa round 3 ng 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan kahapon.

Delikado ang posisyon ni 64-year-old Torre pero nakahulagpos sa endgame para pasukuin si FM Daniet Anwuli sa 45 moves ng King’s Indian defense sa board 2.

Sumiksik ang Pilipinas sa 28th place sa ­nalikom na 4 match points.
Nagsipanalo rin sina GMs John Paul Gomez at Rogelio Barcenilla Jr. sa boards 1 at 3.

Samantala, matapos bulagain ng Pinay chessers ang No. 4 Georgia sa round two, tumukod sila sa India, 3.5-0.5-3.5. sa women’s division.