Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PHLPost: Mga kartero frontliner din

0 190

Nakiusap ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko na unawain ang pagkaantala sa kanilang operasyon ngayong pandemya at limitado ang air at sea transportation.

Ayon kay Assistant Postmaster General for Operations Joel Zamudio, sinisiguro ng mga ito na ligtas sa sakit ang kanilang mga empleyado at kliyente sa pamamagitan ng sanitation at disinfection sa mga dokumento at kanilang mga pasilidad.

Dagdag nito, ang mga kartero ay nasa frontline ng COVID-19. Mahalaga ang mga ito sa publiko sa ganitong mga pambihirang panahon ng isang lockdown. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.