Abante Tonite Interactive

Phobia sa mahahabang salita

24

HIPPOPOTOMONSTROSESQUIPPEDALIOPHOBIA ang tawag sa phobia sa mahahabang salita.
***
Umaabot sa humigit-kumulang sa 6,000 lengguwahe ang aktibong ginagamit sa buong mundo sa ngayon.
***
Walang nagra-rhyme sa mga salitang ORANGE, PURPLE, MONTH at SILVER.
***
Pangkaraniwan at gamiting letra sa lengguwaheng English ay R, S, T, L, N at E.
***
Isang lengguwahe o radio code ang ginamit ng US army noong World War II ang hindi naga­wang mabisto ng mga kalaban, ito ay ang native language ng mga sundalong Navajo. Tinawag din silang Codetalkers dahil sa inimbento nilang radio code base sa kanilang lokal na salita. Malaking tulong ito sa giyera upang masiguro na sa kakampi nila galing ang lahat ng mga mensahe at di galing sa mga kalaban.
***
Ang ‘typewriter’ ang itinuturing na pinakamahabang salita sa wikang English na matatagpuan sa unang taas na linya ng keyboard.
***
Ang isang ordinar­yong tao ay normal na bumibigkas ng 4,800 sa­lita kada araw.
***
‘Palindrome’ ang ta­wag sa mga salita na ang spelling ay parehas kahit simulan sa dulo ang pagbasa. Isang halimbawa ay ang salitang ‘RACECAR’
***
Ang ‘EUOUAE’ isang termino sa musika, ang itinuturing na pinakamahabang salita sa English na puro vowels, ito rin ang sa­litang may pinakamaraming magkakasunod na vowel.