Abante Tonite Interactive

Phoebe, masyadong matapang ang paghuhubad

By
Phoebe Walker
56
Ronnie Alonte
Ronnie Alonte

SOBRANG nahiya si Ronnie Alonte kay D­irek Erik Matti at sa Reality Entertainment na hindi siya nakasama sa Macau filmfest samantalang siya ang bida sa 2016 MMFF entry na Seklusyon.

Sey ng Kapamilya newcomer, hindi niya alam ang gagawin niya dahil gustung-gusto niya sanang sumama sa Macau kung saan ipinalabas sa exhibition section ang Seklusyon.

Nanghinayang si Ronnie na hindi siya nakasama, ito pa naman ang unang movie niya, tapos ay si Erik Matti pa ang direktor at alam niyang minsan lang mangyari ‘yung may pelikula kang ipapalabas sa internatio­nal filmfest.

Sobra siyang nalungkot, pero pinilit niyang gawan ng paraan, kaya lang ay hindi siya pinayagan ng Star Magic, kaya wala siyang nagawa.

Bukod kasi sa Seklusyon ay kasama rin ang 20-anyos na Hashtags member sa isa pang MMFF entry na Vince & Kath & James ng Star Cinema.

Tapos ay nasa cast din siya ng teleseryeng A Love to Last na kasama siya sa presscon nu’ng isang araw, at kagabi ay nag-concert pa siya sa Kia Theatre.

Ganu’n ka-in demand si Ronnie!

Kaya ang dayalog sa kanya ni Direk Erik, this year ay may 2 films si Ronnie sa MMFF.

After this ay sobrang mainstream movies na ang gagawin nito, kaya baka hindi na raw ito magka-chance na makapag-international film festival dahil sisikat na ito.

Pero tanggap ni Direk Erik na hindi kontrolado ni Ronnie ang schedule nito kaya hindi ito nakasama sa Macau.

***

Maganda raw ang r­esponse sa Seklusyon ng audience sa Macau na mix of Filipinos, foreigners and locals.

Last year ay nagkaisyu ang MMFF entry ni Matti na Honor Thy F­ather na naunang ipi­nalabas sa Hawaii International Film Festival kaya na-disqualify sila sa kategoryang best picture sa awards.

Wala na ‘yung ga­nu’ng rule sa filmfest ngayon, so okey lang kung sa Macau unang nagkaroon ng screening ang Seklusyon.

Sina Dominic Roque, Neil Ryan Sese at P­hoebe Walker ang nakasama n­ina Direk Erik at producer Dondon Monteverde sa Macau.

Ang dalawang baguhan na gumaganap din bilang deacons gaya n­ina Ronnie at Dom na sina John Vic de Guzman at JR Versales ay hindi rin nakasama.

May volleyball game kasi si John Vic sa St. Benilde (team captain ito ng CSB Blazers), habang aliw ang dahilan ni JR na wala pa siyang passport.

Ang suwerte ni Domi­nic dahil ito ang nakatikim ng filmfest experience. Sobrang saya ni Dom dahil first niyang dumalo sa gano’n.

Aniya, iba ang feeling na nanood ng movie nila ang mga dayuhan. Natuwa raw ang mga ito at sinabing kakaiba ang period horror-thriller ni Matti.

Ani Dom, hindi siya matatakutin pero nang mapanood niya sa M­acau ang Seklusyon na malaki ang sinehan at maganda ang sounds ay kinilabutan siya sa ilang eksena at iba ang dating nito sa kanya.

Nag-world premiere doon sa Macau ang makinis na puwet ni Domi­nic dahil international cut ang ipinalabas doon.

Sey ng 26-anyos na Bench Body model, nang mapanood niya ito ay hindi pala gaanong kita ang wetpaks niya sa big screen.

Mabilis lang ito at i­ntense ang flow ng eksena dahil maraming nangyayari.

Sundot ni Direk Erik, hindi babad ang puwet ni Dom sa eksenang ‘yon.

Maging ang frontal scene ni Phoebe W­alker ay pang-international lang din dahil masyadong matapang ang eksena, hindi puwede rito sa atin.

Sa ibang bansa raw kasi ay walang bawal-bawal.

***

phoebe-walker
Phoebe Walker

Hindi first movie ng tisay na sexy newcomer na si Phoebe Walker ang Seklusyon.

Nakagawa na siya ng ilang indie films last year at nag-support roles na rin sa mga pelikula ng Viva Films.

Ang role ng misteryosang madre sa Seklusyon ang biggest role so far ni Phoebe.

Kuwento ng dalagang may hawig kay Cristine Reyes, nu’ng tinawag siya ni Direk Erik for a meeting, inisip niya agad kung ano kayang ipapagawa nito sa kanya.

Nanood kasi siya ng OTJ at Honor Thy F­ather at nasabi niyang grabe, kailan niya kaya makikilala si Direk Erik?

April this year nang makakuha ng tawag ang Viva (talent ng V­iva si Phoebe) para sa isang meeting with M­atti at kinuha na siya for Seklusyon.

“Masaya. Obviously, during the first few days of workshop, I was very nervous, kasi feeling ko, I have a lot to prove acting-wise and him ha­ving worked with so many good actors already.

“But he was vey frank with us na, ‘I expect a lot from my actors, I demand a lot!’

“So, the workshops went fluidly. I had trouble with my character, kasi medyo antagonist siya sa movie. So, I had to adopt lang konti, of course, with the instruction of direk.”

Butt in ni Direk Erik, kaya si Phoebe ang pinili niya ay dahil naghahanap siya ng isang babae na may distinct kind of face para gumanap na Madre Cecilia na 1947 ang setting ng istorya.

Aniya, matulis kasi ang face ni Phoebe o sharp ang features. ‘Yun ang nakita niya sa mukha nito, na ang sabi ni direk ay ma­lakas ang dating sa screen.