Abante Tonite Interactive

Phoemela babae sa bintana

0 397

Hindi lang may asim pa, kundi hot na hot pa rin ang porma ni Phoemela Baranda. Walang kupas ang kanyang kariktan kahit mommy na.

Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang kaseksihan ni Phoemela sa suot niyang two-piece black bikini. Dito’y winner na winner ang kanyang ngiti, habang nagchi-chill sa tabi ng bintana.

Pamatay ang aura rito ng aktres/TV host na may halong misteryo. Walang dudang kaya niyang kabugin ang higit na mga nakababatang dalaga sa showbiz, dahil sa taglay niyang sex appeal.

Kahit ‘di mabistahan ang kanyang katawan, ang matamis na ngiti pa lang niya ay sapat na upang ma-in love sa kanya ang maraming boys.

Kakaiba ang arrived ng aktres. May taglay siyang ‘it’ factor na hinahanap ng mga kalalakihan. Bukod sa maganda, napakaputi, napakakinis, at flawless ang kabuuan niya.

Kaya naman very confident siyang mag-post sa kanyang IG account ng mga nakapag-iinit niyang larawan.

Sadyang bibilis ang tibok ng puso ng sinumang barako na makakakita sa kariktan ni Phoemela. Walang lalaking hindi mapupukaw ang damdamin sa kanyang hotness.

Sinong boys nga ba ang kayang tumanggi sa wow na wow na porma ni Phoemela? (Nonie Nicasio)