Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phoemela, Georgina, Jehza gumimik sa pagbubuntis

0 80

MILDRED BACUD: “Just being a woman is God’s gift that all of us must appreciate. The origin of a child is a mother, and is a woman. become a mother. ” Sabi nga ni 1994 Ms.Universe Sushmita Sen. Ito ‘yung linyang tumatak sa akin bilang babae. Kaya mga ka-Cuatros nakaka-relate ako sa mga artistang proud sa kanilang pagiging ina na pinagbubuntis pa lamang nila ang kanilang anak ay nialalantad na. One way of expressing their joy is ang pagpapa-pictorial ng buntis. Kanya -kanyang gimik at artistry. Ilan sa mga tumatak na maternity shoot ay si Anne Curtis kasama ang kanyang asawa na si Erwan Heussaff. Both of them are topless pero naka-jeans. Dahil sa laki ng tiyan ni Anne ay nakabukas ang zipper ng jeans.Nakaupo siya sa asawa and it was done artistically. Hindi bastos.

Maganda rin ang maternity shoot ni Coleen Garcia na naging controversial pa dahil sa sa sinabi ng isang website na hindi na orihinal ang concept ng nasabing pictorial. Ginaya raw ito shoot ni Supermodel Gigi Hadid. Nag-react naman ang photographer na si BJ Pascual na sinabing nauna silang maglabas ng nasabing pictorial kaya paanong sila ang nanggaya.

ROMMEL PLACENTE:Ang isa pang buntis mga ka-Cuatros ay ang commercial model-TV host na si Phoemela Baranda Ipinakita niya ang lumalaking baby bump niya sa kanyang Instagram account na ang caption niya rito ay “Life Begins”

O, di ba?Proud si Phoemela na ipagsigawang preggy siya. Ang sarap naman kasi talaga ng feelings na maging isang ina.

RODEL FERNANDO: Talagang kaniya-kanyang post ang ginagawa ngayon ng ating mga celebrity na nabubuntis. Ipinaparating talaga sa buong mundo ang kanilang kasiyahan which is tama naman dahil isang biyaya ang magkaroon ng anak. Ito rin ang basehan ng pagkakaroon ng saysay ng pagkababae nila.

Sabi nga ng Miss Universe 1999 na si Mpule Kwelagobe ng Botswana sa kanyang panalong sagot nang tinanong kung puwedeng ituloy pa ang reign kung mabuntis ang nanalong Miss Universe. Ang sagot niya ay “Personally, I think it should not in any way interrupt her duties. She should celebrate her femininity.”

Talagang hindi natin masisisi kung bakit ganoon na lamang ipangalandakan nila ang pagkakaroon nila ng anak. Buo na kasi ang kanilang pagkababae na dapat naman nilang i-celebrate. Kung ang iba ay minamasama nila ang pagpo-post ng paglaki ng tiyan nila dahil sa pagdadalang-tao nila ay problema na nila iyun.

SM food to go Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Bilib din ako sa mga buntis na nilalantad ang laki ng tiyan at sexy ang kuha.

Hindi lang si Phoemela ang may gimik na nagpa-picture na buntis. Pati rin si Georgina Wilson ay may post din ngayon sa kanyang IG account na kita ang baby bump. Black and white photo ito.

Maging ang Bb. Pilipinas Supranational 2018 na si Jehza Huelar Simon ay nag-pose din ng sexy na kita ang malaking tiyan. May caption ito ng “This is my #Valentine.”

Proud sila talaga sa ‘blessings’ na dumating sa buhay nila.

Winner!

Leave A Reply

Your email address will not be published.