Abante Tonite Interactive

Phoemela makatas

By
1,324

‘Ang babaeng ayaw tumanda’ ang nababagay na deskripsyon sa actress-model-endorser-TV host na si Phoemela Baranda.

Sa latest sexy posting ng kanyang bikini photo, nanatiling sariwa at malasa pa ang alindog nito.

Walang mababanaag na kahit na anong malalaking bilbil o paglaylay ng kanyang balat sa katawan.

Ang masisilip ay ang kaseksihan nitong hindi talaga hinaggard ng panahon.

Sa edad nitong 37, nakapag-iinit pa rin ng dugo sa kalalakihan ang kaseksihan niya.

Napanatili nito ang kanyang youthful figure, isang kata­ngiang mahirap mapantayan ng kanyang mga kasabayan.

Hindi mo nga aakalaing mayroon ng dalagang anak si Phoemela dahil sa itsura nito.

Kumbinasyon ng beauty, brains, smart, intelligence mayroon si Phoemela. Kaya naman hanggang ngayon kapanta-pantasya pa rin siya sa mga male netizen.