Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phoemela palaban sa edad 41

0 178

NI: VINIA VIVAR

Enjoy na enjoy ang supermodel/TV host na si Phoemela Baranda sa kanyang baby girl na si Illya, her second child after 21 years.

Phoemela gave birth to Illya in March, 2021 and since then ay medyo lie-low siya sa trabaho. Naka-focus siya sa pag-aalaga sa kanyang baby.

Sa mga larawang ipino-post niya sa kanyang IG, makikitang super hands-on mom siya at aliw na aliw siyang bihisan ang kanyang super-cute na baby na ngayon ay 10 months na.

Isa si Phoemela sa super-hot moms natin who age gracefully. Imagine, she’s 41 pero parang nasa 20s pa rin dahil sa kanyang fit na pangangatawan. Puring-puri ng mga netizen na kahit kapapanganak pa lang ay super sexy pa rin niya.

Sa mga hindi nakakaalam, may 23-year-old daughter na si Phoemela – si Kim Baranda na pumasok na rin sa showbiz at talent ng Viva Artists Agency.

Leave A Reply

Your email address will not be published.