Abante Tonite Interactive

Phoenix ikakadena si Yap

By
0 145

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Center)
4:30 pm – Phoenix vs. Rain or Shine
6:45 pm – Magnolia vs. SMB

Larga mamaya sa Smart Araneta Coliseum­ ang inaabangang showdown ng Phoenix at Rain or Shine – dalawa sa pinakamainit na teams sa PBA Philippine Cup.

Rumolyo sa franchise-best start 5-0 ang Fuel Masters para solong upuan ang tuktok ng standings. Kabuntot lang nila ang nasa three-game winning run na Elasto Painters sa 5-1.

Kapag dumiretso sa pang-anim, pasok na agad sa quarterfinals ang Phoenix, huling itinumba ang NLEX 83-82 sa block ni Calvin Abueva sa last-second shot ni Bong Galanza.

“I’m not saying na kaya namin mga nauna (kalaban), pero eto na, mga elite teams na makakalaban namin starting with Rain or Shine Sunday,” pahayag­ ni Fuel Masters coach Louie Alas. “We’ll see.”
Napigil ng Fuel Masters ang bigs ng Road Warriors na sina Poy Erram (11 points), Marion Magat (0) at Kris Porter (6) bagama’t nakaalagwa ng team-high 14 points si JR Quinahan.

Tututukan naman nila ngayon ang hot hands ng Painters sa pangunguna ni veteran­ James Yap na 6 for 9 mula 3-point range at tumapos ng 19 points sa 107-100 win kontra NorthPort noong Biyernes sa MOA Arena.

Nariyan pa sina bigs Beau Belga na may 19 markers din at Norbert Torres na may 16 at 3 for 5 mula long range. Pati sina Raymond Almazan (14 pts) at Rey Nambatac (11 pts).

Parehong nasagad noong Biyernes, walang 48 hours ay muling papagitna ang Phoenix at Rain or Shine. Posibleng maging malaking­ factor ang pagod at scouting.

“It’s gonna be a tough game with both teams playing hard today,” pahayag ni coach Caloy Garcia pagkatapos ng Batang Pier game. “Come Sunday, we play in the first game so medyo maigsi lang ‘yung time for us to study them.

But both teams are coming off a game, so technically whoever has a deeper bench ‘yun na ‘yun.”