Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phoenix lusot sa Magnolia: Wright nanalasa

0 116

STANDINGS

TEAMS W L

TNT 5 0

Barangay Ginebra 4 0

Rain or Shine 3 1

Alaska Milk 3 2

Meralco 3 2

Phoenix 3 2

San Miguel Beer 2 2

Blackwater 2 3

Magnolia 1 4

NLEX 1 4

Terrafirma 0 3

NorthPort 0 4

Mga laro ngayon:

(AUF Sports Arena & Cultural Center)

4:00 pm. – Terrafirma vs NorthPort

6:45 pm. – San Miguel vs Alaska

Clark Smart Giga City – Papunta na sa talo ang Phoenix Super LPG nang maiwan ng 17, pero bumuwelta sina Matthew Wright, Jason Perkins at Justin Chua at inagaw ng Fuel Masters ang panalo sa Magnolia 91-84 sa Smart 5G-powered AUF gym Biyernes ng gabi.

Sa likod ng 31-13 explosion sa fourth quarter, nakawala sa two-game slide ang Fuel Masters tungo sa 3-2 card. Humaba sa tatlong sunod ang talo ng Hotshots na nabaon sa 1-4 sa 45th PBA 2020 Philippine Cup elims.

Dumistansiya ng hanggang 62-45 sa third quarter ang Magnolia, pero ginapang ng Fuel Masters hanggang bigla ay nasa unahan na 89-80 sa back-to-back-to-back 3s nina RJ Jazul, Chua at JC Intal 1:39 na lang.

Tumapos si Wright ng 23 points, 7 rebounds at 4 assists, pasabog ng 12 sa third si Perkins tungo sa 20 points at 12 rebounds. Naka-14 markers at 8 boards si Chua bago na-fouled out.

Nanguna ang 20 points ni Chris Banchero sa Magnolia, may 15 si Ian Sangalang.

Pahinga lang ng isang araw ang Hotshots, babalik muli bukas para sagupain ang 4-0 Ginebra sa Classico na nalipat sa Pampanga bubble.

Sa first game, ipinagpag ng Meralco ang NLEX 101-92 sa 32nd anniversary ng sampa ni Bolts coach Norman Black sa 10,000-point club ng PBA.

Oct. 23, 1988 nang makuha ni Black ang milestone habang import pa ng San Miguel. Naglista si Black ng 42 points sa 140-135 loss ng SMB sa Anejo sa Reinforced Conference.

Inangklahan nina Chris Newsome, Cliff Hodge at Allein Maliksi ang pagkalas ng Bolts sa stretch para umangat sa 3-2. Tumapos si Newsome ng 18 points, 6 rebounds at 6 assists, may 10 markers si Maliksi.

Nabaon sa 1-4 ang Road Warriors sa kabila ng 30 points ni Kiefer Ravena.

Ang mga iskor:

First Game

MERALCO 101 – Newsome 18, Maliksi 17, Amer 11, Almazan 11, Hodge 10, Black 9, Quinto 9, Jamito 7, Hugnatan 6, Jackson 3, Faundo 0, Jose 0, Pinto 0, Caram 0.

NLEX 92 – Ravena 30, Semerad 16, Alas 10, Cruz 9, Porter 8, Ayonayon 7, Soyud 6, Quinahan 6, Miranda 0, Varilla 0, Ighalo 0.

Second Game

PHOENIX 91 – Wright 23, Perkins 20, Chua 14, Garcia 12, Intal 8, Jazul 7, Napoles 4, Marcelo 2, Heruela 1, Gamboa 0, Rios 0.

MARNOLIA 84 – Banchero 20, Sangalang 15, Reavis 12, Lee 10, Barroca 10, dela Rosa 7, Melton 3, Jalalon 3, Corpuz 2, Calisaan 2, Abundo 0, Pascual 0.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.