Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phoenix markado sa susunod na taon

0 350

Smart Clark giga City –Taas-noong lumabas ng Pampanga bubble ang Phoenix Super LPG kahit natapos sa semifinals ang kampanya sa 45th PBA 2020 Philippine Cup.

Naubusan ang Fuel Masters 3-2 sa TNT Tropang Giga, pero makarating lang sa Final Four ay malaking accomplishment na sa team ni coach Topex Robinson.

Dumating sa bubble si Robinson bilang interim coach kapalit ni dating head coach Louie Alas. Sa Clark Freeport Economic Zone na siya naging full-time mentor.

Nakabalik si Calvin Abueva mula 16-month suspension, nakipagtulungan kina Matthew Wright, Jason Perkins at Justin Chua para itulak ang Phoenix sa No. 2 pagkatapos ng 11-game eliminations at twice-to-beat. Sinipa nila sa isang laro ang Magnolia para pumalaot sa semifinals.

Konti lang ang nagtiwala na magkakaroon ng tsansang makipag-agawan sa finals berth ang Fuel Masters. Ayon kay Robinson, makarating lang sa semis ay sulit na sila kaya ini-enjoy lang ang bawat laro.

Pinahirapan nila ang Tropang Giga, sinagad sa winner-take-all.

“Congrats to @TNTTropangGIGA for making it to the finals!” tweet ni coach Topex. “Humbled with the opportunity to play with the best. Goodluck.”

Saludo si coach Bong Ravena sa Fuel Masters.

“Hats off to Phoenix. They really made us, you know, better every game,” aniya. “Kung gusto mo gumaling, kailangan magaling din ‘yung kalaban mo. It helped us a lot.”

Siguradong sa next season, markado na rin ang Phoenix. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.