Abante Tonite Interactive

Phoenix Petroleum una sa oil price rollback

0 219

Pinangunahan ng kompanyang Phoenix Petroleum ang pagbawas sa presyo ng mga produktong petrolyo kahapon nang hapon.

Alas-dos nang hapon epektibong ipinatupad ng naturang kompanya ang pagbawas ng P1.10 kada litro ng kanilang diesel habang P0.50 naman kada litro sa gaso­lina.

Wala namang paggalaw sa presyo ng ke­rosene.

Ang paggalaw sa presyo ng gasoline at diesel ay bunsod ng panibagong presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod rin ang ilang pang kompanya ng langis sa pangu­nguna ng tinaguriang ‘Big3’ sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Karaniwang ipina­tutupad ng mga kompanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ng umaga, maging price hike ito o rollback. (Armida Rico)