Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Phoenix sinilat TNT : Bangis ni Abueva!

0 119

Semis Games 3 bukas (AUF gym):
3:45 pm – TNT vs. Phoenix (series tied 1-1)
6:30 pm – Ginebra vs. Meralco (series tied 1-1)

Smart Clark Giga City – Hindi 100 percent si Matthew Wright, naging Fantastic Beast si Calvin Abueva nang balikatin ang Phoenix Super LPG sa 110-103 sopresang panalo kontra TNT para ibuhol ang PBA Philippine Cup semifinals series sa 1-1.

May 10 points sa first quarter na si Abueva bago tumapos ng 20, 15 rebounds, 4 assists at 2 steals.

Nagtulungan sina Jason Perkins (21 points), Justin Chua (18), RJ Jazul, RR Garcia at Brian Heruela at naligtasan ng Fuel Masters ang career night ni Ray-Ray Parks.

Pinagliyab muli ni Parks ang basket ng Smart 5G-powered AUF Gym, kumonekta ng 10 for 14 3-pointers tungo sa career-best 41 points bago nasungkit ang pang-anim na foul – blocking kay Abueva 5 minutes pa sa laro.

Naiwan ng hanggang 60-42 sa third quarter ang Tropang Giga, umahon at lumamang pa 92-90 bago nag-collapse nang mawala si Parks.

Hinatak din ng Meralco ang hiwalay na series nila ng Ginebra sa best-of-three.

Nagising sa second half ang Bolts para bawian ang Gin Kings 95-77.

Game 3 ng dalawang serye bukas.

Dinoble ng Meralco ang output ng Ginebra sa third quarter 23-11 para baliktarin ang 50-42 deficit sa break tungo sa 65-61 lead papasok ng fourth.

Namuno ang 16 points ni Chris Newsome sa Meralco, may tig-14 sina Bong Quinto at Allein Maliksi, 12 at 11 pa kina Cliff Hodge at Raymond Almazan.

Diyeta sa 9 points ang kamador ng Gins na si Stanley Pringle na 4 of 16 lang mula sa floor, 1 for 7 sa 3-point range. May 16 na si LA Tenorio sa halftime, pero hindi na umiskor muli. Namuno ang 17 points at 8 rebounds ni Japeth Aguilar sa Gins.

Hindi masukat ng Ginebra ang basket, 27 lang ang naipasok sa 75 na pukol kumpara sa 35 of 84 field goal shooting ng Bolts.

Ang mga iskor:

First Game

Meralco 95 – Newsome 16, Quinto 14, Maliksi 14, Hodge 12, Almazan 11, Amer 10, Hugnatan 9, Pinto 3, Black 2, Caram 2, Jamito 2, Faundo 0, Jose 0, Salva 0.

Barangay Ginebra San Miguel 77 – J. Aguilar 17, Tenorio 16, Thompson 10, Tolentino 9, Pringle 9, Caperal 6, Salado 4, Mariano 4, Caguioa 2, dela Cruz 0, DeVance 0, Dillinger 0, Balanza 0.

Quarters: 23-27, 42-50, 65-61, 95-77.

Second Game

Phoenix Super LPG 110 – Perkins 21, Abueva 20, Chua 18, Jazul 16, Garcia 12, Heruela 10, Mallari 9, Rios 2, Wright 2, Gamboa 0, Intal 0, Marcelo 0, Napoles 0.

TNT 103 – Parks 41, Enciso 14, Pogoy 13, Erram 10, Rosario 10, Castro 9, Washington 4, Reyes 2, Carey 0, Semerad 0, Montalbo 0.

Quarters: 28-27, 60-45, 86-80, 110-103. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.