Abante Tonite Interactive

‘Phoenix Walk’ ni Gazini trending

702

Kung ang mga netizen lang ang masusunod, sure na sa Miss Universe crown ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados.

Sa preliminary rounds ng top beauty pageant, marami ang nabighani sa angas at poise ng 23-year-old model na ina-advocate ang pangangalaga sa mga senior citizen.

Aprub sa mga netizen ang ‘Phoenix Walk’ ni Ganados, na ginamit ang mala-gintong kapa sa swimsuit competition at tila phoenix ang commanding presence sa stage.

Instant trending din ang #GaziniGanado5, na sumisimbolo sa sigaw ng mga netizen na si Gazini na ang magiging ika-limang Miss Universe ng Pilipinas, at posibleng ang unang back-to-back titlist ng bansa kung masusundan si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

@henerillana, “this is how you use a cape, show them gaz !! #GaziniGanado5 #PhoenixWalk #MissUniversePhilippines #MissUniverse.”

@JapDaniels, “Philippines in swimsuit was a poisonous snake, curvaceous and silent, but very deadly #GaziniGanado5.”

@notowkie, “Gazini looks perfect as she walks on the stage. Catriona is the one who introduces her and that’s very nostalgic. #GaziniGanado5#MissUniverse.”

@jmppangilinan, “5th crown is approaching! Laban for the back to back win @gazzzini #MissUniverse #GaziniGanado5 #MissUniverse2019.”

@iPsyCARLogy, “Flawless Spin and Phoenix Walk. #MissUniverse2019 #MissUniversePhilippines2019 #GaziniGanado5.” (RP)