Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie Revillame Male personality mahilig sa libre

0 79

Mahusay sa pamumuhay ang isang guwapong male personality. Gamit na gamit ng aktor ang kanyang kaguwapuhan kahit saan siya magpunta.

At marunong siyang tumiyempo. Alam niya kung saan mananalo ang kaguwapuhan niya. Maparaan ang guwapo at simpatikong aktor lalo na nu’ng kanyang kabataan.

Kuwento ng isang source habang nakatutok sa isang seryeng pinagbibidahan ng guwapong male personality, “Nagkakaedad na siya, ha, pero guwapo pa rin siya! Napakinabangan niya nang husto ang itsura niya, sa totoo lang!

“Nu’ng kaitaasan ng career niya, kahit saan siya magpunta, umuuwi siyang panalo talaga!” unang kuwento ng aming impormante.

Marunong daw kasing pumaraan ang male personality. Kunwari, sa malayong probinsiya ang kanyang shooting, natural, kilala ang lugar na ‘yun para sa kanilang produktong ipinagmamalaki, kailangang meron siya nu’n pagkatapos ng trabaho niya.

“Simple lang ang gagawin niya, bumababa talaga siya ng sasakyan, nagpapakita siya sa mga taong nandu’n. kunwari, pitasan ng mangga, natural, kapag nakita na siya ng mga kababaihan, kani-kanyang bigay na ng tiklis-tiklis na mangga sa kanya ang mga girls!

“Ang galing-galing niyang tumiyempo talaga. Hindi siya umuuwing luhaan. Kunwari, e, bibili siya, pero ang totoo, hinihintay lang niya na bigyan siya!

“Magaling siyang makibalita. Magtatanong siya sa mga tagaroon na nanonood ng shooting kung saan ang pagawaan ng ganu’n at ganito. Ituturo naman siyempre ‘yun sa kanya!

“’Yun na ang hudyat! Dadaan siya sa pagawaan ng produktong sikat na sikat sa lugar. Kapag nakita siya ng owner o ng mga trabahador, natural, give sa kanya ang mga ‘yun!

“May kakuriputan ang male personality, mahusay siyang humawak ng pera, kaya talagang puro libre lang ang gusto niya. Punumpuno ng kung anu-anong products ang car niya kapag umuuwi na siya!

“Nakakaloka ang lalaking ‘yun, talagang ipinupuhunan niya ang kaguwapuhan niya! Kahit ngayong nagkakaedad na siya, e, gamit na gamit pa rin niya ang itsura niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

3 helicopter ni Willie mabenta sa eleksyon

Padating na ang Robinson 66 five-seater chopper ni Willie Revillame. Ikatlong helicopter na ‘yun ng aktor-TV host. Itong huli ang pinakamalaki at pinakabagong modelo ng chopper.

Sa pakikipagkaibigan ni Willie sa mga negosyante, unti-unti ay natututo na siyang pumili kung saan ilalagay ang kanyang kinikita, ginagawa niyang puhunan ang kanyang pinagpapaguran.

Sa susunod na taon ay eleksiyon na. puwede niyang iparenta ang tatlong choppers niya. Maraming kumakandidatong naiinip sa mahabang biyahe by land, mas produktibo para sa kanila ang umupa ng sasakyang panghimpapawid, para marami silang marating sa kanilang pagkampanya.

Hindi pangporma lang ang mga ipinupundar ni Willie, wala na siyang dapat pang patunayan, halos lahat ng brand ng sasakyan ay meron na siya. Wala na siyang pinapangarap pa.

Sabi ng isang kaibigan ni Willie, “Buti nga, natututo siyang magnegosyo. Maganda ‘yan para nakikita niya kung saan napupunta ang mga pinaghihirapan niya.

“Swak sa presidential election ang tatlong helicopter niya, maraming magre-rent, napakahalaga ng oras para sa mga politicians. Panalung-panalo si Willie,” sabi nito.

Pati ang ipinatatayo niyang high-end hotel sa Puerto Galera na nasa gitna ng tubig-dagat ay malaking negosyo rin. 7-star ang nasabing hotel, dadayuhin sigurado ‘yun ng mga turista, pati ng mayayaman nating kababayan.

Pero sa kabila ng lahat ay walang humpay pa ring tumutulong si Willie Revillame sa mga kababayan nating nangangailangan sa kanyang programang Wowowin-TutokTo Win.

Napakaraming buhay ang binabago niya, binibigyan niya ng pag-asa ang mga kapuspalad na Pinoy lalo na ngayong panahon ng pandemya, kaya siya lalong pinagpapala.

Leave A Reply

Your email address will not be published.