Abante Tonite Interactive

Photographer, nahirapan sa retokadang aktres

By
11

HIRAP ang isang photo­grapher kapag kinu­kunan ang isang singer/­actress.

Retokada kasi ang ilong ni singer/actress (pati ba ang baba?) kaya kapag pino-photo shoot ito ng kakila­lang photo­grapher, ­hirap itong kumuha ng ­tamang ­angulo.

Kapag namali kasi ng anggulo, nagmumukhang witch si … (pangalan ni singer/actress).

Noong nagsisimula pa lang sa showbiz si singer/actress, iba pa ang kanyang hitsura.

Hindi pa siya kuma­kanta noon.

Habang nagtatagal siya, marami ang nakakapansin na nag-iiba ang hitsura niya, pero never siyang umamin na “Salamat po Doktor” beauty rin siya.

Kapag nagsasalita si singer/actress, parang walang niretoke sa kanyang mukha, huh?!

Actually, pati ang “bumpers” ni singer/actress ay balitang gawa rin, ‘noh?!

***

Nakita ang Umagang Kayganda host na si Anthony ­Taberna aka Ka ­Tunying sa Tom Bradley International Airport sa Los ­Angeles, California noong ­Biyernes nang ­gabi (tanghali sa ‘Pinas).

Kasama ni Ka Tun­ying ang misis niyang si Rochelle at dalawang anak na babae.

Magbabakasyon ang mag-anak sa Amerika.

Once a year ay nagbabakasyon si Anthony at ang kanyang pamilya sa Amerika.
­

Wala muna ­siya sa Umagang Kayganda at Dos Por Dos sa DZMM.

***

Kasabay ni Ka ­Tunying sa flight pa-L.A. si Daniel Matsu­naga na nag-show sa downtown Los Angeles.

Kuwento ng Holly­wood reporter na si ­Oliver Carnay, successful ang Ultimate Laugh Out Loud show ni ­Daniel kasama ang ilang stand-up comedians mula sa ‘Pinas including Kim Idol.

Puno ang venue at kahit mahaba ang show, nag-enjoy ang mga ­Pinoy na nagpunta.

Of course, pinagkaguluhan ng mga ­Pinoy si Daniel at ang iba ay ­hinanap pa sa kanya si Erich Gonzales kahit hiwalay na ang dalawa!