Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PI n’yo gusto pumatay sa jeep – Locsin

0 466

Nagpahayag ng kanyang hindi pagsang-ayon sa pagtatanggal ng jeepney sa kalsada, si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa kanyang tweet, minura ng kalihim ang hindi pinangalanang indibidwal o grupo na nais umanong mas mabon pa ang mga driver sa matinding kahirapan. Aniya, “Shame on all who want to drive jeepney drivers deeper into their extreme poverty and abolish the only genewwine symbol of our race. Putangina niyo lahat . Walang awa. Walang hiya.”

Dahil sa ilang buwang lockdown at pagbabawal na makabiyahe, may ilang mga driver na ang nanlimos para makaraos umano sa araw-araw na pangangailangan. Kahapon pinayagan nang makabiyahe ang ilang mga tradisyonal na jeep pero kinakailangan sumunod sa health protocol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.