Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PI sa Dacera case tapos na

0 34

Natapos na ng Makati Prosecutor’s Office ang isinagawang preliminary investigation para sa inihaing criminal complaint kaugnay ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Enero 1.

Ayon sa abogado ng lima sa 11 respondent na si Atty. Mike Santiago, ang reklamong rape with homicide ay naisumite na para sa resolusyon. Ang mga prosecutor na umano ang magdedesisyon kung itutuloy sa korte ang kaso laban sa mga respondent.

Dagdag ng abogado, naghain din ng affidavit ang mga respondent sa naging hearing kahapon.

SM food to go Banner Ad

Samantala, ibinaba sa dalawang buwan mula sa 6-buwan ang suspensiyon sa City Garden Grand Hotel (CGGH), kung saan natagpuang walang malay si Christine.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), kasunod ito ng apela ng CGGH para sa kapakanan ng kanilang mga empleyado na tinamaan din ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.