Abante Tonite Interactive

Pia at Gerald ikinulong sa Zambales

By
2,732

MALIBAN sa kisig at katawang pangromansa, maputi niyang puwet at masarap na pakiki­paghalikan, ano pa ang My Perfect You, ano pa ba ang ibang bentahe?

Sapat na ba ang alindog ni Pia Wurtzbach, likas at natural na kagandahan at ang katotohanang 16 na taon ang hinintay niya para ma­ging bida?

Sabi ni Gerald, “And siempre, we have our Ms. Universe. Sa entire movie, sobrang down-to-earth ni Pia. Parang hindi the most beautiful wo­man in the universe.

She gets along with any one, so eager to learn, mabait and professional.”

Para kay Queen Pia, ang bentahe nila, “Ang samahan sa shoot na parang naging pamilya talaga kami. Wala kasing signal sa location namin so we had the chance to converse, tawanan, sabay-sabay sa kainan, naliligo sa malinis na ilog. We enjoyed the simple things and masarap ‘yung ganung feeling, Naka-lock in rin kami sa lugar so walang ngarag, walang nagmamadali. Sana ‘yung positivity at happy vibes namin, ma-capture sa camera at ma-translate sa movie.”

Mistulang ikinu­long sila sa location nila sa Zambales para mag-shooting at walang uwian sa Manila.

Para kay Gerald­, ang perfect you ay, “Malalaman mo agad. You just know. You feel it.”

Kay Pia naman, ang perfect you ay, “It is a process. Dapat marami ka­yong pagdaanan. Dapat mo ring ma-feel na kahit imperfect siya, he is just perfect for you kasi nga mahal mo talaga siya.”

Direktor nag-sorry kay Richard

SA mga mapalad na nagka-oportunidad na mapanood ang pelikulang Citizen Jake, walang duda, ang katauhan ni Richard Quan, ang bodyguard na si Enchong, tiyak na hindi agad makakalimutan. Nag-audition siya para sa isang role pero itong papel na ito ang napunta sa kanya dahil sa maling impormasyon.

“After the audition, wala nang tawag sa akin. Ang sabi, hindi na ako nakuha,” kuwento ni Quan. “‘Yun pala, someone from the production nagkamali ng information na ibinigay kay Direk Mike. Ang sabi busy ako sa TV or something. A week before my shoot, finally, another person from the production told Direk Mike na avai­lable ako at nakausap ako. Pagdating ko sa set, direk Mike said sorry to me kasi nakuha ko ang part from the first audition pero ma­ling information ang nakarating sa kanya.”

Ang taray, nagpauman­hin sa kanya ang the great Mike de Leon, “Oo nga. Nakakahiya. Nag-sorry siya sa akin. He said that I should have been on the set earlier.

Siguro gusto niya ako talaga tapos akala niya hindi ako available noon. Basta nag-sorry siya kasi nagkaroon ng mess up.”

Nakangiting sabi pa ni Quan, “Wala naman akong expectations at mas lalo akong humanga sa pag-apologize niya. Hindi naman niya dapat gawin ‘yun.

Alam ko na si Mike de Leon is a special director. A good director. Wala akong exposure sa kanya although may napanood akong isang film niya, about incest, ‘yung Kisapmata, sa totoo lang hindi ko alam na siya ang director, pero ‘yung pelikula tumatak sa akin. Then I learned na siya pala, wow!” sambit pa ng aktor.