Abante Tonite Interactive

Pia ayaw makipagbati kay Marlon

By
3,451

Dahil lahat ng enerhiya at pansin ay nakatu­on sa bimbangan kung saan bida-kontrabida tuloy ang Gilas Pilipinas team, tila walang major showbiz pasabog na puwedeng kumabog rito.

Siguro kung biglang may paandar ang Digital Empress Kris Aquino o kaya mag-tell all ang Queen Bayot Vice Ganda sa nakalipas na di maaaring balikan nila ni Terrence Romeo, o may bagong spanking the monkey o sexual congress bidyo ang biglang puputok, maaaring stop in the name of love na tayo sa ating obsesyon sa umbagan sa basketball court.

Ayan, dahil sa kaguluhang iyan, iilan lang ang nakapansin na ang magkasintahang walang katulad sina Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach, unfollowed each sa Instagram.

Siyempre of national importance ito lalo na nga’t hindi ito ang unang pagkakataon na hindi na nila sinusundan ang isa’t isa. Si Marlon, as of this writing,­ sinusundan na muli si Wurtzbach. Pero ang Phili­ppines’ third Ms. Universe, hindi pa yata. Ayaw pa ba niyang makipagbati kay Marlon? Maaari ring pag lumabas na ang chikang ito, she is following Stockinger again.

Ano naman kaya ang rason bakit ayaw na nilang subaybayan ang isa’t isa? Kalulunsad lang nila bilang brand ambassadors para sa isang high end wellness center, may ganitong hanash na kasunod? I cannot help but wonder, may kulang o sobra ba sa coupling na ito kaya laging sinusu­bok ang kanilang relasyon?

Sa magsing-irog, nawa’y maayos na agad-agad ang inyong tampuhan. Pag-usapan iyan, puso sa puso. ‘Pag mahal mo talaga ang isang tao, you don’t give up on him or her that easily. Ravan kung ravan!

Kris tatakbong bra ang suot

Ang isa pang isyu of see­ming natural importance, may karera pa pala si Kris Bernal. The WHO si Kris Bernal? Porke ba super svelte siya at unnatural sa ganun kapayat ang may busog lusog na boobies agad-agad, hindi niyo siya kilala at gusto niyong makalimutan na.

Istariray ang hitad dahil bida sila ni Jake Cuenca sa isang pelikula, ang ‘Kontradiksyon.’

Sa pelikulang ito, may chance na kayang ipaalam at ipadama sa atin ni Kris na siya ang Millennial Maui Taylor? Ano ang pagkakapareho nila ni Maui? Naku ha, screaming with bigness na ang pagkakapareho, noh. Hindi ko na kaila­ngang isa-isahin pa.

Ayon sa pahayag, drug pusher ang role ni Bernal kaya push kete push niya ang pagsasaliksik at super push niya rin ang kanyang pagka-aktres dahil may chance na ito ang greatest performance of her life.

May eksena daw sa pelikula na sabog na sabog siya dahil sa mga pinagbabawal na droga, may mga mapangahas na love scene kung saan ang ka-cinematic kuyangyangan niya ay si Cuenca at tumatakbong high na high habang bra at pantalon lamang ang suot.

Kinakabahan raw siya sa cinematic kuyangyangan nila ni Jake. Intimidated siya sa husay ni Cuenca at kahit alam niyang aalala­yan siya nito ‘pag nangyari na ang shoot para sa love scene, ang wish niya take one lang ito.

Iba ang ambisyon ni Kris, ang maging tale one actress, huh! Ikaw na talaga, girl. Nawa’y maging matagumpay ang transformation mong ito. You deserve a round of applause para sa iyong daring at drive na kumawala sa pagiging the WHO.