Abante Tonite Interactive

Pia ayaw pakabog kay Catriona

By
323

Habang patuloy na namamayagpag si Catriona Gray bilang pinakabagong Miss Universe, wala rin naman tigil sa pagpapapansin ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Hindi puwedeng hindi mapansin ang kaseksihan ni Pia dahil para itong tsunami na puwedeng manalasa sa nananahimik na kamalayan ng lahat.

Ang pinaka-latest post ng kanyang bikini shot ay talaga namang nakakapag-init ng dugo.

Anumang anggulo, kahit saang lugar at lalo na kung anuman ang suot nitong bikini sumasagitsit sa init ang kanyang kaseksihan.

Hindi na talaga huhupa ang bangis ng alindog ni Pia, anumang panahon at taon.

Para itong alak na habang tumatagal lalo pa itong tumatapang.

Marahil nasa subconscious niya na hindi siya dapat lagpasan ng kahit sinong beauty queen lalo’t kakaiba rin naman ang bagyong dinala niya nang masungkit ang korona ng Miss Universe.