Abante Tonite Interactive

Pia bilib sa ganda ni Sanya

1,062
tonite-pak-allan-diones
Kinilig nang bongga si Sanya Lopez sa pa-video message sa kanya ni Pia Wurtzbach dahil hindi niya in-expect ‘yung magagandang sinabi nito sa kanya.
Ang sabi sa amin ni Sanya, pareho sila ng makeup artist ni Pia at nangamusta lang siya rito dahil kasama nito si Pia sa abroad nu’ng time na ‘yon.
Biglang may pa-video greeting na sa kanya ang Miss Universe 2015, na ang sabi nito ay ini-stalk nito si Sanya sa Instagram at super-ganda raw ng Kapuso actress.
Dayalog pa ni Pia, kung ready na si Sanya na sumali sa beauty pageant ay nandu’n lang ito at naghihintay sa kanya. Kung gusto raw mag-train ni Sanya ay alam na nito kung sinong lalapitan and Pia will be happy to help her.
“Hindi ko in-expect dahil Miss Universe kaya ‘yon para pansinin ka, ‘di ba?” bulalas ng 22-anyos na dalaga.
Hindi raw alam ni Sanya kung bakit nasabi ‘yon ni Pia, pero naging dream daw niya talaga ‘yon na makasali sa Binibining Pilipinas.
Pero sa ngayon ay focused daw talaga muna sa showbiz si Sanya lalo pa’t ang gaganda ng mga binibigay na trabaho sa kanya ng Kapuso network.
Aniya, hindi ganu’n kadaling iwanan ang lahat ng ito at alam niya ring hindi madali ang mag-join sa mga beauty pa­geant.
But still, hindi niya raw inaalis ‘yon sa sarili niya. Hindi niya pa rin isinasara ‘yung posibilidad na someday ay sasali siya sa isang beauty pageant.
Mas na-boost ba ang confidence niya nang malaman niyang ganu’n pala ang tingin sa kanya ni Pia Wurtzbach at nagpresinta pa itong tulungan siya kung magpa-pageant siya?
“Natuwa ako dahil siyempre, from Miss Universe, sasabihan ka ng gano’n? Parang lumakas ‘yung loob ko na, ‘Uy, may taong naniniwala sa akin!’ I’m so happy at sobrang kinilig talaga ako!” bulalas ni Sanya.
Aminado siyang sobrang faney siya ni Queen Pia. Kapag nag-join siya ay siguradong kokontakin niya raw ito dahil ito ang nagpalakas ng loob niya na pa-ngarapin ang maging Miss Universe.
In fairness, totoo ‘yung sinabi ni Sanya na ang hirap basta na lang iwan ang trabaho niya sa dahil bumobongga ang career niya ngayon.
Ang ganda ng role niya sa ‘Cain at Abel’ na parehong may konek ang karakter niya sa dalawang bida na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Mukhang darating ‘yung time na mai-involve siya pareho kina Dong at Dennis. Tarayyy, tinuhog niya ang dalawang hari ng GMA! PAK!!
***

Piolo mukhang ngarag

Halatang na-miss ni Regine Velasquez-Alcasid ang mag-concert kaya bigay na bigay siya nu’ng unang gabi ng ‘Regine at the Movies’ sa New Frontier Theater last Saturday night.
Si Piolo Pascual ang guest niya nu’ng first night, na habang dinu-duet nila ang theme song ng ‘Paano Kita Iibigin?’ ay ipina-flash sa big screen ang mga eksena mula sa kanilang 2007 movie, na ang sabi ni Reg ay pinaka-dramatic sa lahat ng pelikulang ginawa niya.
Pansin namin na parang sobrang payat nga­yon ni Piolo. Mukhang haggard ang Kapamilya hunk at hindi siya ganu’n kaguwapo. Hindi rin bagay sa kanya ‘yung mahaba niyang buhok na nakatali.
Pero ang lakas ng tilian ng audience at parang may chemistry talaga sila ni Regine, so gusto silang makita ng fans na magtambal muli.
Mga awitin mula sa mga sikat na pelikula ang binanatan ni Songbird, kabilang ang ‘Never Too Far’ ni Mariah Carey mula sa floptsina nitong movie na ‘Glitter.’
Taas-taasan ang kantang ‘yon na matagal na raw hindi inaawit ni Reg, kaya sabi niya sa dulo ng song, “I never thought I could sing it!” na pinalakpakan ng New Frontier crowd.
Inamin ni Regine na ninenerbiyos siya sa concert niyang ‘yon dahil hindi niya raw alam kung nasa kondisyon ang boses niya.
Nabanggit din niyang sana ay hindi masyadong mag-expect ang mga tao. Tuloy daw ang pagbu-voice lessons niya kay Kitchie Molina.
Naluha si Songbird nang kantahin niya ang ‘Tagpuan’ ni Moira mula sa pelikulang ‘Kasal.’
Na-happy naman kami nang awitin niya ang request namin na ‘I’ll Lever Love Again’ ni Lady Gaga mula sa la­test Hollywood remake ng ‘A Star is Born.’
Ang ganda ng spiels ni Reg bago niya ito kinanta. Mapuso at puno ng emosyon ang pagkakaawit niya rito, na para sa amin ay best part of the night.
Sa darating na Sabado at Linggo ang last two nights ng ‘Regine at the Movies’ na ang magkasunod niyang guest ay sina Sharon Cuneta at Daniel Padilla.
‘Yung sa kanila ni Sharon ay mapapanood nang live sa KBO ng ABS-CBN TVPlus.