Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia, Cat hinihiritang magsama

0 66

Viral ang naging pictorial noon ni 2015 Ms. Universe Pia Wurthbach kasama ang fellow beauty queens na sina Kylie Verzosa, Megan Young at Angela Ong para sa Harper’s Bazaar Vietnam noong Hulyo.

Pinag-usapan din ang sleek blonde look at daring photoshoot ni Pia kasama ang isang ahas kamakailan.

Sa kaso naman ng 2018 Ms. Universe Catriona Gray, marami ang napabilib niya sa kanyang ibinahaging new look habang keri ang luxurious LV bag.

Binagayan din ang kanyang ganda ng kanyang short hair.

Nagkomento naman si Pia sa kanyang post na: “You look amazing, Cat! “

Umani rin ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizen ang komento ni Pia na humihirit ng kanilang collab.

Kung sakaling matutuloy daw ito, para raw itong patalbugan ala Nora Aunor-Vilma Śantoś na hindi akting ang arena kundi kabugan sa ganda.

Sino raw kaya sa dalawang bathaluman ang mangigibabaw ang ganda sa isang photoshoot?

Ito naman ang komento ng ilang netizens.

idekdem:@piawurtzbach, you guys should do a collaboration.

onlyberinhardth:@piawurtzbach,collab kau ni@catriona_gray

SM food to go Banner Ad

louellahers:OMG PASAVOGUE

rjcortez: Kelan kayo magsasama sa isang photoshoot @pia and cat @bjpascual, baka naman oh

belandresbernabe:@piawurtzbach, so supportive Queen ever

Aktres may ‘tampo’ sa Kapuso

Marami ang nagtataka kung bakit pinili ni LJ Reyes na sa King of Talk na si Boy Abunda napiling magpa-interview tungkol sa estado ng relasyon nila ni Paolo Contis.

Hirit ng ilang showbiz observers, may tampo raw ba ang Kapuso actress sa kanyang home network kaya sa iba nito ibinigay ang kanyang panig sa kontrobersya sa kanila ni Paolo.

May nang-iintriga ring hindi raw kaya may pag-aalala rin ang aktres kung mabibigyan siya ng patas na treatment ng network hinggil sa kanyang side sa isyu?

Kumpara kasi sa aktor, aminin na natin na bigger star si Paolo kesa sa kanya.

Katunayan, nakapagbida na si Paolo sa ilang proyekto ng Siyete. Mas visible rin ito at mas maraming TV shows compared sa kanya.

In demand din ngayon ang actor dahil may pelikula siyang palabas sa Netflix.

Sa kaso ni LJ kahit pa na-renew pa ito ng kontrata sa GMA Artist Center noong Hunyo, nakapanghihinayang lang na hindi nag-take off ang kanyang career considering na magaling siyang artista .Kung tutuusin, may edge siya sa ibang contemporaries dahil nanalo siya ng Urian best actress para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.