Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia , Catriona tameme sa tanong ni Regine

0 923

Iba pa rin talaga ang kasikatan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, huh. Imagine, almost six months old na ang talak niya na made into a meme by an on-line portal, pinagpapasa-pasahan na naman ito at talaga namang pinag-usapan.

Ang short version ng tanong ni Ate Reg ang nilalaman ay: “Paano ang Pinoy kung walang Cardo, Vice, Cardo at Kathniel?”

O di ba, kahit ang mga millennial Ms. Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, baka hindi agad makakuda pag iyan ang final question, hindi ba naman? Tameme muna sila.He!he!he!

Ang portal para mapasinungalingan ang akusasyon na ginagamit nila si Madam Chona para maging kontrobersyal, ibinahagi na ang IG link kung saan mababasa ng buong-buo ang mensahe ni Ginang Alcasid.

Parang isinulat ni Songbird sa nasabing pahayag ang kanyang nagmamarakulyong damdamin tungkol sa pagka-chugi ng number one network. Unang lumabas ang meme, ay nakaamba pa lamang ang franchise renewal drawing of a hearing na tiniis with dignity and their sanity intact ng mga ABS CBN boss.

Related Posts

Ang tanong, bakit it’s all coming back to me now ito? Eh hindi naman nawala ang mga binaggit lalo na nga’t nasa digital world na ang top-rating Kapamilya shows and tila they are having their best comeback ever.

Mainam na subaybayan ang pagpasok ng Kapamilya kingdom sa digital universe dahil magkakaalaman na kung susunod ba ang loyal ABS-CBN audiences sa kanilang bagong platform? By the millions ba ang magswi-switch from free TV to libreng digital shows via YouTube and Facebook? Ang advertisers kaya, following the leader rin at makikita nila ang halaga nito at manalig na the digital universe is indeed the new mass communication medium that Aling Tacing and Mang Victor trust and support?

Eh ang MTRCB na walang hold at reign sa digital programming, kung mas sasalamin sa pangkasukuyang katotohanan ang mga programa sa Kapamilya Digital world, kakabahan ba sila?

Sa totoo lang, kaabang-abang ang mga kaganapanang susunod dahil kahit sa ibang bansa yata, umaariba na rin ang digital networks and their programs.

Kaya pala back with a vengeance ang meme na iyan ni Ms. Reg, kasi nga as if, they never said goodbye pala. Kaya nga palong-palo ang hanash, dahil mas umigting ang pananabik at pagmamahal para sa artista at programa ng dating network. O sa mga nagbunyi, neknek niyong lahat!

Leave A Reply

Your email address will not be published.