Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia dedma kay Rabiya

0 377

NI: ARCHIE LIAO

Kung si 2018 Ms.Universe Catriona Gray ay binati na sa kanyang pagkapanalo si Rabiya Mateo bilang bagong Ms. Universe Philippines, tila aligaga pa si 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach na iwelcome ang Ilonga beauty sa kanilang sisterhood.

Aminado kasing shocked pa rin siya hindi sa pagkapanalo ni Rabiya kundi sa mga kontrobersyang bumabalot dito.

Aniya, marami raw ang nag-uusisa sa kanya sa pageant world sa totoong nangyari pero ayaw daw niyang magbigay ng opinyon dahil clueless siya sa lahat ng kaganapan.

Nasa UK daw siya nang maganap ang koronasyon at nasorpresa siya nang malamang may mga pasabog na lumabas pagkatapos ng event.

Speaking of Rabiya, ipinagtanggol naman siya ni Ms.Davao Alaiza Malinao sa alegasyon na sangkot ito umano sa pandaraya dahil hindi raw sumunod sa rules ng pageant.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, nilinaw ni Malinao na si Rabiya mismo ang nag make-up sa sarili niya, taliwas sa mga lumalabas na espekulasyon matapos lumabas ang reklamo ng kampo nina Lemonon at Michele Gumabao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.