Abante Tonite Interactive

Pia ‘di kailangan ni Kit

481

Ang kanyang karera sa kasalukuyan, kainamanan naman. Kaya nga ang diva that you love, takang-taka at gustong mahibang kung bakit ang isang chikang lipas na tungkol kay Kit Thompson at Pia Wurtzbach, pilit na pilit pang binubuhay.

May sariling merito na naman itong si Kit lalo na nga’t he is doing very well sa “Sino Ang Maysala?” Siya pa ang kasama ni Mylene Dizon bilang leading man sa Cinemalaya film na “Belle Douler.” At may chance na siya rin ang makakasama ni Iza Calzado sa isang May-December affair flick.
Kaya, pakisagot nga talaga kung may merito pang isalaysay na minsan sa kanilang relatively young life, ay naging magkaibigan sila ni Ms. Universe 2015?

Alam naman nating ang significant other (sila pa rin nga ba?) ni Wurtzbach ay ang delicious hombrelicious na si Marlon Stockinger.

Si Kit naman, non-showbiz super model nga ba ang dyowa?
Ano ang gustong patunayan ng mga ganitong chika? Best in drawing na parang ‘yung pulpol at palpak na mga matrices na not once, but once na binalandra?
Mali yata na nag-expect ako so much sa mga writers ni Kuya Boy Abunda sa kanyang 15-minutes talk show na ayoko munang pangalanan dahil nakaka-disappoint ang pakulo nilang ito. Hindi na nga bagong-bago, salat na salat pa sa kahit na anong relevance.
Stand alone actor si Kit Thompson. Hindi niya kailangan ang this and that girl, lady or woman para mapag-usapan. Bukod sa matangkad, guwapo at makisig ito, marunong at mahusay pang umarte kaya ang ganitong mga dramarama, hindi niya kailangan para lang mapag-usapan, huh!
***
Lalaki ang isisilang ni Gwen

Baby boy ang soon to be panganay nina Gwen Zamora at David Semerad.
Engaged to be married na rin ang dalawa. Seven months na si Zamora at mid-August of this year ang kanyang expectant date.
With beautiful people like them, more chances of winning na handsome and healthy baby boy ang kanilang ma-ging anak. Masaya na sa future natin, halos pulos guwapong batang lalaki at magagandang batang babae ang magsisilakihan.
Eh sina Anthony at Sam Pinto kaya, kailan naman ang date with the stork? Kaabang-abang, huh!
***
Magkalabang puwersa sa Kapamilya

Mas mainit pa sa bagong baked na pandesal at bagong roasted na lechon manok ang chikang may probable cause ang libel case ni Gretchen Fullido versus Ces Drilon, Marie Lozano, at news executive na si Venancio Borromeo.
Siyempre pa, tiyak ang mga abogado nina Ces, Marie at Borromeo ay handang harapin ang legal na usaping ito.
Kung paano ito iha-handle ng ABS CBN News Department, lalo na nga’t may pangako silang “In the Service of the Filipino,” iyan ang kaabang-abang dahil nga mga tauhan nila ang magkalabang puwersa. Hindi naman puwedeng i-news blackout nila ito at dapat na maging objective ang kanilang reportage.
Will we see the day, and covered by their news crew, ang pagbibigay ng mga warrants kina Ces, Lozano at Venancio?
Ang mga isinakdal, will we get to read their official statements soon? ‘Pag dumating na ang pagkakataong maghaharap-harap sila sa korte, para kayang just like in the movies or isang primetime evening drama ang kaganapan?