Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia enjoy ‘magpatikim’ kay Jeremy

0 166

NI: ARCHIE LIAO

Maraming kinilig sa Instagram post ng dating Miss Universe na si Pia Wurthbach kung saan nagse-selfie siya at kinukunan ng larawan ng kanyang boyfie na si Jeremy Jauncey.

May caption itong “The content and marketing on the left, the adobo and rice expert on the right.”

Kinantiyawan ang beauty queen-actress ng mga netizen dahil sa pagiging maalaga nito sa kanyang half Scottish, half Colombian boyfriend.

Sey nila, enjoy raw siguro si Jeremy sa luto o patikim ni Pia.

Nabunyag din na mahilig sa Pinoy food ang founder at CEO ng Beautiful Destinations tulad ng adobo.

Maliban sa adobo, paborito rin daw ng nobyo ang tinola.

Hirit pa ng mga netizen, naghahanda na raw marahil si Pia sa paglagay sa tahimik kaya kinakarir na rin nito ang pagluluto para sa kasintahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.