Abante Tonite Interactive

Pia happy sa bagong dyowa

1,116

NI: ARCHIE LIAO

Bagamat ilang beses na silang sighted together in different trysts,never pang umamin ang dating Ms. Universe at TV host-actress na si Pia Wurtzbach sa totoong estado ng kanilang relasyon ng eligible bachelor at travel at lifestyle editor na si Jeremy Jauncey.

Katunayan, nananatiling palaisipan sa marami ang kanilang affair ng handsome rugby player.

Pero sa latest na pagsagot ni Pia sa kanyang socmed account,naging klaro ang lahat. Tila may paramdam na lumalalim na ang relasyon.

Sa Twitter account ng @beautifuldestinations kung saan tampok ang Bali, may hamon ito sa travellers na :”Bringing you some sunshine and ocean views this weekend. What made you happy today? And if it was a friend,then tag them!”

Bilang sagot sa naturang post,itinag ni Jeremy si Pia.

Bilang ganti, nag-reply naman si Pia nang “@jeremyjauncey,was just about to tag you too and then I saw this.”

Dahil dito maraming netizen ang kinilig sa kanilang pag-patronize sa isa’t-isa.

Sey pa ng kibitzers, kahit walang direktang pag-amin, ito na ang hinihintay nilang kumpirmasyon mula kay Pia.

Tonite – Wendys Inhouse Ad