Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia hinamong tapatan si Catriona

0 166

NI: ARCHIE LIAO

Good news ang pagla-launch ng Catriona Gray Academy. Isa itong online platform na naglalayong matulungan at mabigyan ng sapat na kumpiyansa ang mga nangangarap na pumasok sa mga patimpalak na pangkagandahan.

Layunin din nitong palakasin ang papel ng mga kababaihan bilang ahente ng pagbabago.

Kasama ang ilang content creators, si Cat ay magbabahagi ng kanyang kaalaman bilang educator sa nasabing akademya.

Sa bagong endeavor na ito ni Cat, marami ang natutuwa dahil marami siyang matutulungan.

Gayunpaman, may ilan namang kibitzers na gusto talaga silang pagsabungin ni 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach . Inuurot ang huli na tapatan ang una.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parang beauty contest lang ang peg para may competitive tsines.

Hirit naman ng ibang maka-Pia, mas may K raw si Pia na magkaroon ng Pia Wurtzbach Academy dahil mas beterana raw ito kay Cat . Wala ring duda na mas confidently beautiful daw ito sa huli.

Kung sakali,patok daw ang PWA dahil marami itong believers.

Suhestiyon naman ng ilan, bakit hindi raw magtulungan o mag-collaborate na lang ang dalawa dahil pareho naman daw silang authority pagdating sa pageantry.

Isama na rin daw sa equation ang past winners na sina Gloria Diaz at Margie Moran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.