Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia hirap sa LDR

0 202

NI: ARCHIE LIAO
Enjoy ang dating Ms.Universe Pia Wurtzbach sa piling ng kanyang Scottish boyfriend na si Jeremy Jauncey na based sa UK.

Katunayan, kung siya ang masusunod, ayaw na niyang mawalay pa sa piling ng kanyang nobyo.

Pero dahil sa trabaho, kailangan silang pansamantalang magkahiwalay muna.

Ito ang naging hanash niya sa kanyang IG account kung saan inamin niyang hirap siya sa long distance relationship.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“En route to Manila and feeling a mix of emotions as I head back… looking forward to the work that I need to attend to but sad that I’m leaving my love back in the UK. ? Ang hirap ng LDR pero kailangan magtrabaho ? but I know we’ve been very blessed and its time to get back to work! ❤,” aniya.

Sey niya, sa pagbalik niya ng Manila, mami-miss niya ang bonding moments nila ng boyfie tulad ng pamamasyal sa mga matulaing lugar sa London.

Dagdag pa niya, malaking bagay na ang pagkakaroon nila ng panahon sa isa’t-isa malayo sa magulong mundo.

Samantala, tuloy ang online show ni Pia na ‘Quentuhan’.Nasa season 3 na .

Leave A Reply

Your email address will not be published.