Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia hirap sa relasyon kay Jeremy

0 143

Aminado si former Miss Universe Pia Wurtzbach na hindi madali ang long distance relationship or LDR tulad nga ng relasyon nila ng Scottish businessman boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Sa recent episode ng Between Us Queens podcast with fellow beauty queens, Cara Lizardo and Bianca Guidotti, ibinahagi ni Pia ang mga struggles and challenges nila ni Jeremy being in a LDR.

Ayon kay Pia, mas doble ang hirap ng sitwasyon nila ngayon dahil bukod nga sa magkaiba sila ng bansa ni Jeremy, pandemic pa at hindi sila pwedeng magkita as they wish.

She revealed na ang balak pala nila ni Jeremy before pandemic ay tumira na sa isang bansa ng magkasama.

“Although we’re based in different countries, but before this whole pandemic started, we already have plans of like, being in the same country and like, really making it work.

“Kasi kami ni Jeremy, we became a couple around December of 2019 and this was just before this whole pandemic started. Tapos, ang dami na naming plano,” pagbabahagi ni Pia.

Isa nga raw sa unang plano nila ay i-tour niya si Jeremy sa buong Pilipinas, ipakilala sa kanyang mga friends here at ipakita kung ano ang kanyang work dito.

Pero hindi na raw nangyari ito because of the pandemic. Ang masaklap pa nga, sa halip na every month sana ay magkikita sila, naging 5 months dahil nga pabago-bago ang restrictions sa bansa.

Related Posts

Dahil dito, aminado si Pia na napakarami niyang natutunan para mag-work ang LDR.

“I learned that communication is so important that you guys have to have open communication and at least be checking up on each other every day.

“Kailangan, may honesty rin and openness and may trust. This is so important, guys especially kung bago pa lang kayo,” ani Pia.

Sa case nga raw nila ni Jeremy, kay bago-bago nila at nagsisimula pa lang silang mag-build ng foundation as a couple, but unexpectedly ay naging LDR na agad sila.

“Parang bini-build-up pa lang namin ‘yung trust, tapos na-test na agad siya,” sambit ni Pia.

Pero ang nakakatuwa raw sa kanila, sa tuwing magkikita sila ay parang back to square one sila dahil nga sa tagal ng hindi nila pagkikita.

“’Yung may hiyaan. As in 1 yr na kami, pero pagdating ko sa airport, feeling ko, I’m seeing him again for the first time,” natatawang sey ni Pia.

Sa ngayon ay hiwalay na naman sina Pia at Jeremy after their reunion noong July at matatagalan na naman daw bago sila magkasamang muli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.