Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia iniyakan ang pagkatalo kay MJ

0 830

NI:ARCHIE LIAO

May mga rebelasyong pinakawalan ang 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach nang maging panauhin siya ni Bianca Gonzalez sa online show niyang “Paano Ba Ito?”

Naging topic ang “Comparing Ourselves and Being Compared with Other Women.”

Isang netizen na nagpakilalang Ms.Figuring It Out ang humingi ng payo kay Pia kung paano niya iha-handle ang sitwasyon at ang kanyang insecurity kapag ikinukumpara siya sa ibang tao. May mga pagkakataon daw kasing feeling niya ay napre-pressure siya at bumababa ang kanyang self-esteem kahit ayaw niyang mainggit.

Sey naman ni Pia, normal lang daw ang nararamdaman ng netizen dahil dumarating talaga sa puntong nakakaramdaman ang isang talunan ng ganoong emosyon.

Gayunpaman, hindi raw naman ibig sabihin noon na masama siyang tao kung matatanong niya ang sariling “Bakit siya at hindi ako?”

Minsan daw kailangang iksamenin din ng isang tao kung bakit siya natalo at magtanong ng “Saan ba ako nagkulang?” o baka naman hindi pa niya panahon.

Related Posts

Nakaka-relate daw siya rito dahil ilang beses na rin siyang naging talunan sa beauty pageants bago pa siya nanalong Ms.U.

Pagbabahagi pa niya, noong natalo daw siya sa Binibini kay MJ Lastimosa, iniyakan daw niya iyon.

Gayunpaman, ang mindset daw niya ay hindi magalit o mainggit kay MJ.

Katunayan, masaya raw siya para kay MJ. It’s more of kinuwestiyon lang niya ang sarili kung ano ang hindi niya nagawa.

Aminado rin siyang madalas silang naikukumpara sa kapwa Ms.Universe na si Catriona Gray pero para sa kanilang dalawa, wala raw silang kumpetisyon.

Kalimitan lang daw ng pinagsasabong sila ng kanilang followers pero beyond that, magkaibigan daw sila at pareho ang adbokasyang pinaglalaban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.