Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia inokray sa gown

0 503

NI: ARCHIE LIAO

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ni Pia Wurtzbach na suot ang kanyang iconic na blue gown noong kinoronahan siyang Miss Universe 2015.

Katabi nito ay ang photo ng American actress na si Keke Palmer na nakasuot din ng blue na gown na kawangis ng suot ni Pia na kuha sa Emmy Awards noong 2014.

Dahil dito, ginawan ng pagkukumpara ng ilang mga netizen ang dalawa.

Ayon sa mga basher na karamihan ay Indonesian, copycat daw ang beauty titlist.

Pagtatanggol naman ng iba, hindi raw nangopya ang beauty queen dahil magkaiba raw naman ang disenyo ng kanilang mga gown.

Sinagot naman ni Pia ang akusasyong copycat siya sa pamamagitan ng hashtags na lalong ikinainis ng ilang mga bashers niya .

SM food to go Banner Ad

Ginamit din niya ang mga hashtags na #Winner #Philippines.

Viral din ang ibinahagi niyang selfie hawak ang isang malaking mangga at itinabi ito sa kanyang mukha.

Para sa ibang mga pageant fan, reaksiyon umano ito ni Pia sa kontrobersyang ipinupukol sa kanya.

Kamakailan din, nagpost si Pia ng litratong naka-blue gown kung saan napa-throwback siya sa kanyang pageant days.

Sa latest post naman niya, nakasuot na siya ng casual white dress na ayon sa followers niya ay parang nagbanlaw ito ng nega.

May caption itong:”Keeping my cool today in an all white ensemble.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.