Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia iwas-pusoy sa katsipan

0 160

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang nag-aabang na marinig ang panig o posisyon ng dating Ms. Universe na si Pia Wurtzbach tungkol sa isyung pinasabog ng kanyang kapatid na si Sarah.

Pero, naunsyami ang lahat dahil no-show si Pia sa kanyang online show na “Queentuhan.”

Katuwiran ng mga co-hosts niyang sina Bianca Guidotti at Carla Lizardo, wala raw ang dating beauty titlist dahil may natanguan na raw itong commitment bago pa ang kanilang scheduled show.

Gayunpaman, umaasa sila na makakasama na nila si Pia sa mga susunod na episodes.

SM food to go Banner Ad

Hirit naman ng netizens, since online raw naman ang show, bakit hindi man lang daw nagparamdam si Pia sa kanyang avid followers sa cyber space.

Lumalakas tuloy ang mga haka-haka na iwas-pusoy ito sa isyu nilang magkapatid.

Sey naman ng ilan, marahil daw ay ayaw na nitong pag-usapan pa ang kontrobersya dahil kung sasagot siya ay siguradong lalaki pa ang isyu.

Kung papatulan din niya ang pasabog, sigurado raw na magbibigay muli ng counter na pahayag ang kapatid.

Agree rin ang ibang beaucon aficionados na hindi dapat magpakababa ang isa sa pinakamagandang babae sa buong universe dahil lang sa cheap na isyu ng pamilya nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.