Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia kay Manny: Wala akong nilayasan

0 423

Walang intensiyon si Senador Pia Cayetano na iwanan si Senador Manny Pacquiao sa dapat sana’y pagpapatuloy ng kanyang interpelasyon sa panukala ng pambansang kamao na magbuo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.

Nilinaw ito ni Cayetano dahil masama umano ang loob ni Pacquiao sa kanya matapos nang ma-reschedule ag interpeleasyon sa kanyang pet bill.

“Ang sa akin lang naman doon is yung ma-inform ako, hindi ako ma-surprise na naghihintay ako tapos pagdating ng turn ko eh wala na palang mag-i-interpellate sa akin,” pahayag ni Pacquiao

SM food to go Banner Ad

Nauna nang nahirapan si Pacquiao sa kanyang pet bill matapos isalang sa interpelasyon ni Cayetano noong nagdaang Martes, Mayo 18.

Sagot naman ni Cayetano, wala siyang intensiyong makasakit at nagpaalam umano siya ng maayos noong Miyerkoles.

“Nagpaalam naman po ako na maayos, no intensiyon po na makasakit. Hindi po tayo naglayas. Never ho akong nag-delay, never akong naglayas. Ako nga lagi ang naghihintay dito para ma-interpellate eh,” ani Cayetano. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.