Abante Tonite Interactive

PIA & KYLIE, PINAGLARUAN SA GOWN

38
RACHEL PETERS
RACHEL PETERS

MAY anim na naman tayong bagong beauty queens.

Si Binibini No. 19 Rachel Peters ang Miss Universe-Philippines. Si Maria Angelica de Leon ang Bb. Pilipinas-­International.

Ayon sa pageantry ­experts, Ms. Universe ang most-coveted title. Pa­ngatlo ang Ms. International.

Wala na sa Binibining Pilipinas Charities ang Ms. World, na second most prestigious. Hindi rin kanila ang Ms. Earth, na pang-apat.

Ang iba pang nagwagi:

Binibini No. 22 Chanel Olive Thomas, Bb. Pilipinas-Supranational;

Binibini No. 39 Elizabeth Clenci, Bb. Pilipinas-Grand International;

Binibini No. 31 Katarina Rodriguez, Bb. Pilipinas Intercontinental;

At Binibini No. 18 Nelda Ibe, Bb. Pilipinas Globe.

Sina Binibini No. 32 Charmaine Elima at Binibini No. 40 Kristel Guelos ang tinanghal na first runner-up at second runner-up.

***

Having a field day ang bashers, ­haters, at katkateras matapos ang mala-walang tulugan na pageant.

Here are some of the posts sa Facebook na naaliw ang diva that you love.

“Yung mukhang tutubi ­ngayong gabi si Koya Daniel Padilla. ­#BbPilipinas.”

“How to get away with ­murder. #BBP #DJP #TheWay­YouLookTonight”

“Engglot ba si Daniel??! Hahahahaha!”

Naku, akala ko pa naman, tapos na ang pangwawalanghiya niya sa mga kanta.

Sa ASAP kasi, ‘yung Hotdogs classic na Manila, he also murdered. Nasal na nasal kung ‘kantahin’ niya.

Sa true lang patula na nga halos. Hindi kaya ­nahawa na si Daniel sa pagkangongo ni Kathryn Bernardo kaya ngongo na rin siyang kumanta?

***

Sa hosting tandem nina Xian Lim at Pia Wurtzbach, “Shumigil ka, Xian Lim! Huwag ka sumagot kase ‘di ka naman candidate! Gusto mo sumali ka next year! Tama na ang spyuk Xian at Pia!”

“Tama na at bawal dapat ang comments, Xian at Pia! #BbPilipinas”

“Showis na showis naman si Xian! Nakachuk? Hahaha! ­Charet!”

Triple ouch lang ang tanging reaction ko rito. Laging subject of riducule si Xian kong mahal after every pageant night.

Kay Pia, if she wants to become a pageant host, she must work doubly hard.

Kitang-kita na tele-prompter dependent sila ni Lim. Wala silang stage chemistry at hindi natural ang kanilang exchanges.

***

Ang reaction sa epic blunder ni Sirene Sutton, na marami ang nanalig eh ang tagapagmana ni Janina San Miguel.

Ang tanong, “Is it right that parents demand support from children in exchange for raising them?”

Sabi sa isang FB Post, “No…can you repeat the question… Yes… No…Ching! Time is up! Ay shunga shu­nga ka teh! ‘Tagal mo naghanda tapos ganyern.”

So, alam na alam mo na Ms. ­Sirene, ang mga sirena at ­diwata, ikaw ngayon ang paboritong payaso.

***

Sa pagrampa muli ni Maxine Medina to relinquish her crown, “Arus! Sinabihan pa ng Good Job ni Ate Venus Raj ko si Ante Maxene nu’ng lumaban daw sa Ms U. Asan ang good te? Haha. #BbPilipinas.”

“Walang ­kadala-dala sa GREEN FRINGES!!! Worst dressed/dress…. Ma­xine Medina! SORRY Akala ko si Pia na… ­Nasilat pa!!!”

Bakit ba paborito ni Ms. Medina ang kulay na green? Kasi nga, sa kangkungan siya napunta matapos ang kanyang nakakawindang na sagot sa Ms. Universe question and answer portion.

Kung si Pong Pagong, favorite food ang kangkong… Si Maxene naman ang Ms. Kangkong! Hahahaha.

Mariel Maxine Kylie
Mariel, Maxine at Kylie

Sa suot ni Kylie Versoza, “She can’t walk (pro­perly) with that ­humongous heavily layered… heavy looking… really heavy blue costume!”

Siempre pa, ang team ­maricon behind the outfit of ­Kylie, alam na alam na ­nating lahat, pinaglaruan siya in a ­major, major way.

***

At sa gown ni Pia Wurtzbach tinodo ang electric pleats, “Lagi ninyong pinaglalaruan si Pia?!! Misssss Universe yannnnnn!!!!! Tama ba yan???”

“Electric pleats by Maning’s sa Quaipo… kalurky!”

All together now, how could you do this to Queen Pia?

Mga teampower maricon ni Wurtzbach, fashion sabotage ang ginawa ninyo sa third Ms. Universe natin!

Hindi niya ikinaganda ang the power of electric pleats na ‘yan!