Abante Tonite Interactive

Pia lakwatsa ang bet, Catriona work to death

867

Magkaiba ang goal ng dalawang Miss Universe ng ‘Pinas na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Bago pumasok ang taon, ibinalita ni Catriona na papasukin na niya ang mundo ng showbiz. Nagsimula ito sa pagpirma niya sa ilalim ng ABS-CBN Publishing para sa librong gagawin niya.

At sa pagpasok ng 2020, magandang balita kaagad ang salubong dahil bahagi na si Catriona ng “Showtime family”. Nitong Lunes, January 5, ay opisyal nang host si Catriona. Masaya ang beauty queen sa pagtanggap at pag-welcome sa kanya ng naturang noontime show. Hindi umano niya naramdaman na hindi siya parte ng programa.

Aniya, “Masarap magpasaya ng madlang pipol.”

Kung mundo ng showbiz ang goal ni Catriona ngayong 2020, paglalakwatsa naman ang bet ni Pia.

Sa pagpasok pa lang ng taon ay nagpasabog na si Pia ng kaseksihan. Sinabi rin niya sa kanyang Instagram na ngayong taon ay puro travel ang gagawin niya. Sey niya, “Got bitten by the travel bug … I’ve got my sights set on a lot of destinations this year.” (Rona Ronda)