Abante Tonite Interactive

PIA AT MARLON, MADRAMA ANG HIWALAYAN

By
22

pia-wurtzbach-marlon-stockingerMARAMI ang naguguluhan kung magkarelasyon pa sina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger.

Hindi na kasi nakikitang magkasama ang dala­wa, kaya may mga nagdududang baka hiwalay na sila.

Pero may isang nakatsikahan naman kami na kilala ang dalawa at nagsabing ayaw niyang maniwala na hiwalay na sina Pia at Marlon.

Parang imposible raw ‘yon dahil noong ‘nobody’ pa si Pia at hindi pa nananalong Miss Universe 2015, sobrang tindi na raw ang crush nito sa Fil-Swiss race car driver.

Malamang daw na ‘drama’ lang ng dalawa ‘yung hindi na sila masya­dong nakikita in public para mabawas-bawasan na rin ang mga intriga sa kanila.

Noon kasing nabu­king ang tungkol sa kambal na anak ni Marlon sa isang dating model, pati si Pia ay nadawit sa intrigang ‘yon.

Malamang, hinay-hinay lang sina Pia at Marlon pagdating sa kanilang relasyon para matigil na ang mga intrigera’t intrigero na ayaw silang tantanan sa pang-iintriga.

AlDub, payanig ang surpresa sa 2nd anniv!

Bukas na ang 2nd anniversary celebration ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga.

Sa Broadway Centrum ang pagdiriwang at matunog na may ‘mini concert’ ang mga Dabarkads at taga-kalyeserye.

Happy anniversary! #AlDub 😃🙏🏻

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Payanig na surpresa!

Kahit may ibang nali-link sa dalaga, marami pa ring solid fans ng kanilang loveteam ang umaasang in the end ay sila pa rin ang magkakatuluyan.

Tuwing magkasama sila sa Eat Bulaga, minamat­yagan ng fans ang bawat kilos nila, huh!

Kahapon (104th weeksary ng AlDub) sa backstage ng Eat Bulaga, nakita naming inalalayan ni Alden si Maine nang papunta sila sa stage para sa isang segment na kasama sila.

Sweet si Alden kay Maine, huh?!

***

After ng Eat Bulaga kahapon, sabay na buma­ba ang ‘Ruffaree’ na si Ruffa Gutierrez at si Baeby Baste.

Tsinika-tsika ni Baeby Baste si Ruffa.

“Ate Ruffa, Ate Ruffa, may school ako nga­yon!” sey ng bata.
“Really? Where?!” tanong ni Ruffa.

“Diyan po sa may (pangalan ng isang mall),” sabi ni Baeby Baste, pero sumabat kami at ni-remind ang bata na malapit lang ang school niya sa mall na sinabi niya.

“Oo nga pala. Diyan po ako nag-school sa _____ ______ (pangalan ng school niya),” sabi ni Baeby Baste kay Ruffa.

Tuwing may nakakausap si Baeby Baste sa mga kasamahan niya sa Eat Bulaga ay ang tungkol sa pagpasok niya sa school ang kanyang ikinukuwento.

Sobrang enjoy si Baeby Baste na pumapasok na siya sa school.

Madalas kasi, sina Ruby Rodriguez at Jenny Ferre (creative head ng show) ang nagtuturo kay Baeby Baste sa backstage.

Si Jenny, may white board pa na ginagamit tuwing tinuturuan ang bata.
Dating teacher si Jenny bago naging parte ng Eat Bulaga.