Abante Tonite Interactive

Pia, Marlon tinuldukan na ang romansa

861

Oktubre pa pala, hiwalay na ang de-kolor at puti nina Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach at papable papa nitong kasintahan na race car driver Marlon Stockinger.

Ang nagkumpirma sa hiwalayan sa pamamagitan ng isang text message panayam, ay galing mismo sa namamahala sa karera ni Wurtzbach.

Sa true lang, ni wala kang makikitang kahit anong traces kay Pia na dalawang buwan na pala silang hiwalay ni Stockinger. She acted in true Ms. Universe fashion, a real classy lady.

Walang cryptic messages sa social media sites. Hindi mo rin nakikitang nagwawalwal at nagwawala here, there and every where para makalimot. Mas lalong walang kuda, hanash, saba at pakikipagpanayam kung kani-kanino para sabihin ang kanyang sad story.

In the same manner, very gentlemanly rin si Stockinger tungkol sa romansa nilang tapos na pala. He truly manned up as far as the break up is concerned.

‘Pag ang naghihiwalay ba sa isang bathaluman na tulad ni Wurtzbach at isang guwapong lalaki na tulad ni Marlon, sa kanilang private at unguarded moments, tumutulo rin kaya ang mga luha nila? Sa kaliwang pisngi ba muna ang unang lagaslas ng luha o sa kanan?

Humaharap rin kaya sila sa salamin, nagtataka, nagtatanong kung saan sila nagkulang, ano ang mga pagkakamali, kung bakit ang mga damdamin para sa isa’t isa ay natuyo at wala na talagang ibubuga pa ang kanilang relasyon?

For all their beauty and handsomeness, tinatanong din kaya nila ang kanilang mga sarili, kung “pangit” sila, while they individually and separately sip their glass of chardonnay paired with the most expensive cheeses and fruits?

At gaano nga kaya sila kabilis mag-move forward after a break-up?

Reality check para sa ating lahat na observers nina Pia at Marlon na kahit pala sila ganu’n ka-successful, moneyed, and talaga namang marami ang humanga sa kanilang mga pisikal na kaanyuan, just like us, they can be scarred and in pain too, pero alam nila how to carry and deal with it. Na may dignidad, respeto sa sarili at walang drama.

Kaya ayan ha, sa mga may ka-relasyon diyan, ‘pag dumating ang punto (na huwag naman sana), na maghihiwalay ang inyong mga de-kolor at puti, be a Pia, be a Marlon, dapat classy at sosyal pa rin kahit wasak na wasak ang puso’t damdamin.

Landiang Mark-Carlos maling akala

Ang diva that you love, mali pala ang akala na dahil sa pag-amin nina Queen Bayot Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang different kind of love, mas magiging accepting at less judgmental ang mga tao.

Bakit ko naisulat ito? Dahil sa condemnation at persecution na binalibag agad kay Mark Bautista dahil lamang sa pagbati at paghanga nito sa husay at galing ni gymnast Carlos Yulo.

Grabe pa rin pala ang malisya at mapaglarong imahinasyon! Nakakabahala. Nakakalungkot. Sa true lang, nakakatakot kasi parang may warlock hunting na nangyayari.

Mabuti na lang at si Yulo, panalo ang post niyang: “It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting. Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as One.”

O, may hihirit pa?

Pisngi ni Louise parang sinampal

Ang pag-amin ni “My Bakit List” lead actress Louise delos Reyes na nakikipag-live in, makakatulong kaya ito para more chances of winning ang kanyang paparating na pelikula?

Wala akong pagdadabog ng bangs sa pagpapakatatoo niya. Adult na siya at kaligayahan niya na makasama ang kanyang non-showbiz architect at bar owner co-habiting partner, huh.

Pansin ko lang na sa pelikula, hindi mo mahulaan agad-agad na si Delos Reyes ang bidang babae kasi nga, blonde na buhaghag ang buhok niya rito, may suot na salamin, hideous ang fashion sense kahit pa nga bongga ang shade of her lipstick at parang sinampal ang kanyang mga pisngi so many times and in so many ways kasi nga, ang blush ons, pak na pak na pak, sa ilang eksena.

Sa true lang, fan ako ni Louise lalo na nu’ng may alegasyon na inagaw niya dati si Aljur Abrenica kay Kylie Padilla. Charot! Hahahaha!

Joking aside, nahuhusayan ako sa kanyang umarte, may sinseridad, alam mong ‘pag binibigay sa kanyang mga katauhan, hinahanap niya ang mga katotohanan sa mga ginagampanan niya at talagang buong puso niya ang kanyang binibigay sa mga ito para hindi lang believable, kundi relatable.

Kaya, kung sa pakiwari ng mga spinmaster sa film production outfit who gambled on her na kainamang publicity slant ang kanyang ang pagiging espouser of co-habiting at mga benepisyo nito sa millennial pakikipagrelasyon, so be it. Hindi ko babasagin ang kanilang trip.