Pia, Matteo kumasa sa ayuda online ng COVID

675

NI: RONA RONDA

Hindi na rin pinalagpas ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na makatulong sa mga nangangailangan. Binuksan niya ang online fundraising campaign para sa mga frontliner ng COVID-19.

“So I am humbly asking for your help. Tulungan niyo po kami para matulungan pa po namin sila. If you can, please donate. The link is in my bio po. We will be keeping you updated on our progress too.. Maraming salamat to all my friends and industry friends who took the time to reply and teach me everything I need to know para masimulan ‘tong munting online fundraising,” bahagi ng kanyang post.

Samantala, may part 2 ang online fundraising event na “One Voice Pilipinas”ni si Matteo Guidicelli .Ito ay para makatulong sa mga mahihirap na apektado sa ipinatupad na quarantine.

Magiging host pa rin sina Matteo at Kean Ciprano, sa pakikipagtulungan ng Landers Superstore at ng Philippine Army.

Kabilang sa mga special guest ay sina Senator Manny Pacquiao, Martin Nievera, Christian Bautista, Seth Fedelin, Ylona Garcia, Jaya, Donnalyn Bartolome, Nico Bolzico, Tony Labrusca at Liza Soberano.

Ginanap ito kaninang 7 PM (Linggo) sa Facebook page ng aktor.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...