Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia may sakit

0 122

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang nagulat sa rebelasyon ng 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach sa kanyang Instagram account. Na-diagnose pala na mataas ang kanyang cholesterol at meron din siyang lactose intolerance.

Sey pa nga niya, ni sa hinagap daw ay hindi rin niya akalaing may ganoon siyang kondisyon ngayon.

Dagdag pa niya, hindi raw porke’t mukhang malusog ang isang tao ay masasabi mo nang wala itong dinaramdam.

Hirit pa niya, healthy raw naman ang lifestyle niya. Laging fit and yet meron din pala siyang health issues.

Pinayuhan pa niya sa kanyang followers na ugaliing magpa-check up dahil ang diagnostic tests lamang ang tanging makapagsasabi kung perfectly healthy ang isang tao.

“Starting the day with a good workout. Akalain mo ‘yun mataas daw cholesterol ko kaya eto double time na sa pag seseryoso. Kahit naman anong itsura mo sa panlabas eh kung mataas cholesterol mo paano na? I learned that consistency is key sa pagiging healthy. Hindi phases, hindi taas baba, dapat lifestyle na talaga sya at hindi pagnakatingin lang si kuya LOL kaya ko to”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Also found out last year that I’m lactose intolerant pala. Ang tagal kong tintry i-figure out kung bakit laging namimilipit ako sa sakit tuwing umiinom ako ng kape. ‘Yung milk pala sayang kasi love na love ko kumain ng dairy products lalo na ng cheeses but oh well. Kung ayaw na ng katawan mo ganon talaga haha..,”sey niya.

Hirit pa ng beauty queen, naniniwala siyang mare-reverse pa ang kanyang medical condition by living a healthy lifestyle.

“And I’m sharing this to let you guys know na minsan wala talaga sa panlabas na itsura yung kalagayan ng katawan mo. Listen to your body, make the necessary changes and your health will improve. Some of these challenges are reversible,”bulalas niya.

Speaking of the recently concluded Bb. Pilipinas coronation night, na-miss daw niya ang pagrampa sa ganitong mga klaseng competition.

Ito ang ipinagtapat niya sa latest episode ng Queentuhan kung saan isa siya sa mga host.

Medyo naloka raw naman siya sa tanong ni Kuya Boy Abunda sa isang contestant na “When it is okay not to be okay and when is it not okay to be not okay?”

Aniya, maituturing daw ang question na isang test of wit at presence of mind ng isang kandidata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.