Abante Tonite Interactive

Pia, Megan kabogera ang mga kariktan

590

Walang duda na may dalawang Filipina na talaga namang natatangi at may dakilang ganda. Naging bahagi sila ng katatapos lamang na Southeast Asian Games (SEAG) opening ceremonies, sina Megan Young at Pia Wurtzbach ang mga ito.

Sa true lang, kakaiba ang dating na ang Ms. World 2013 at Ms. Universe 2015 eh nasa iisang entablado na ginanap ang “spectacular, spectacular” program. Talaga namang binuhay ang pride at patriotism nating mga Filipino.

Sabi nga ni Young sa kanyang post: “What an amazing experience it was to be a part of the opening number! Each of us walked with a participating country earlier and I’m so happy I got to walk with the Indonesian athletes (flag emoji) Indonesia will always be a country dear to my heart because that’s where I won Miss World.. took some photos backstage with Queen P @piawurtzbach who walked with the Philippine athletes during the opening number! (flag emoji) Nakakakilabot nung sinabi ung ‘PHILIPPINES’!!! During that moment we were all just so proud to be Filipino.”

Si Queen P, ang emote: “So happy and blessed to represent our beloved country at the opening of the 30th Southeast Asian Games. Goodluck to all the hardworking athletes. Mabuhay po kayo at mabuhay ang bansang Pilipinas!”

Si Eric Pineda ang may likha sa suot na mga terno nina Young at Wurtzbach na talaga namang they slayed their moment on stage, huh!

Raissa nakasusuklam ang kuda

Kung halos ang mayorya eh galak na galak at lugod na lugod sa mga pasabog at payanig na nasaksihan sa SEA Games opening cermonies, siyempre pa may mga basher at hater rin ito.

Sa kasalukuyan, marami ang poot na poot at suklam na suklam kay Raissa Robles. Kasi naman, ang hitad na nagkataong “political analyst” at sumusulat pa sa isang international publication, tinawag na “perya” ang nangyari sa Philippine Arena.

Ayan! Ayaw na tuloy siyang tantanan ng mga taong walang pananalig sa kanyang opinyong wala sa hulog at mga katwirang wala sa katwiran. Literal kasing minaliit niya ang hirap, pagod, dugo at pawis ng mga taong kasali sa produksyon at alam na alam mong wala siyang pagpapahalaga sa pamana sa kultura na meron tayo.

Ang diva that you love, tuwang-tuwa sa isang post na ang turing sa babaeng hindi kumikilos ayon sa kanyang ganda na siya ay ang makabagong “Donya Victorina,” isa sa mga kakutya-kutyang katauhan sa “Noli Me Tangere” na kung umasta eh akala mo tunay na ilustrado at may kasanayan talaga sa kultura, kaugalian at tradisyon ng mga Kanluranin.

Sa iba pang mga the WHO na atat na atat na maging the WHO no more kaya ang daming kuda at hanash sa iba’t ibang social media sites, can you look at me straight in the eye at without batting an eye lash, mapapangatawanan niyo na kayo ay mga dalubhasa at may sapat na kaalaman tungkol sa ganitong mga pagtatanghal?

Pakisagot ang katanungan dahil ang bangs ko, major, major ang pagdadabog dahil sa kayabangan ninyo.