Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia muntik makuba sa laki ng boobs

0 90

Sa kanyang vlog, inamin ni 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach na noong hindi pa raw siya nananalo ng korona, sobra raw niyang ‘vain’.

Noong bata-bata raw siya, aminado rin siyang madaling maapektuhan ng mga puna at mga batikos.

Malaking bulas daw kasi siya at isa sa agad na napapansin sa kanya ay ang kanyang masaganang dibdib.

May pagkakataon nga raw na sumasakit ang kanyang likod dahil sa bigat ng kanyang boobs.

Katunayan, muntik na nga raw siya makuba dahil sa kanyang pinapasan.

Pero dahil daw sa right amount of exercise, proper body posture at balanced diet, nai-correct na raw niya ito.

Aniya, blessing daw na maituturing kung endowed siya with large breasts.

Hindi raw niya ito ikinakahiya dahil bahagi raw ito ng buo niyang pagkatao.

Ngayon daw, dumating na rin daw siya sa punto na kebs na lang siya sa sasabihin ng tao. Halos wala na raw siyang dapat na patunayan pa.

Inamin din ni Pia na sa kabila ng seksing pangangatawan, dumating din daw siya sa puntong tumaas ang kanyang cholesterol. Ito’y dahil sa pagiging lactose intolerant niya kaya raw importante sa kanya na i-maintain ang kanyang healthy lifestyle.

AshMatt walang iwanan

Viral ang video ni Matteo Guidicelli na na-upload sa kanyang Instagram account.

Sa 29-second clip, makikita kung gaano ka-sweet silang dalawa ng misis na si Sarah Geronimo.

Bukod sa kilig feels, nagbigay rin ng positibong mensahe si Matteo tungkol sa “overcoming boundaries ” na nakapaloob sa kanyang short voiceover.

Sinabi ni Matteo kung paano siya na-inspire ng Popstar Royalty na ipinaglaban siya at hindi sinukuan.

“How did you get from Point A to Point B? How did you navigate the bumps and cracks of life? Some roads were tough, some weren’t easy, but you still persevered. With grace, you walked on with hope and inspired me with your light and your strength. With the passing of time, you’ve evolved, you’re empowered, and our lives are forever changed. Love, we’ve overcome boundaries.” ani Matteo.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizen ang naturang post.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Sana all. “

‘I love the message. I can feel the love.”

“I can’t breathe. Kinikilig ako sa inyo, jusko.”

“Sa lahat ng napagdaanan niyong dalawa, continue to remain strong.”

“Matteo, ang ganda! I feel the real love. Cheers to overcoming all the boundaries in your way. Cheers to love and the sheer power of it.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.