Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pia na-hurt sa giyera ng pamilya

0 275

Halatang naapektuhan ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Matindi kasi ang giyera ng kanyang kapatid na si Sarah sa inang si Cheryl Alonzo Tandall.

Nag-post ng mensahe si Pia sa kanyang Instagram account.

“Im sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. “This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.

“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.

“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.

“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing.

“ Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.

Nag-comment naman si @sarahwurtzbach ng

“I love you and thank you.”

SM food to go Banner Ad

Maselan naman ang kanyang komento sa kanyang ina kung bakit galit siya. May linya rin siya na ‘galit ako sa mga bugaw at rapist.Hindi sa mundo.”

Anyway, kamakailan ay pinabulaanan ni Cheryl Alonzo Tandall ang mga paratang ni Sarah sa kanya. Sinabi niya sa kanyang YouTube channel na hindi magagawa ng isang ina ang mga ibinibintang sa kanya.

Pak!

Coco di sumuko sa laban

Nagbigay ng tribute si Coco Martin kay Ms. Susan Roces.

Ito’y pasasalamat niya sa limang taon na pamamayagpag ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“Pamilya po kami rito. Hindi po kami tatagal ng ganito katagal kung hindi po kami nagmamahalan at nagrerespetuhan.Maraming mga hindi pagkakasunduan pero sa kabila noon ay nanatili pa rin ang magandang pagsasamahan bilang pamilya kasi napatatag na kami ng haba ng panahon,” bahagi ng video message ng aktor.

“Hindi po kami susuko. Sabi nga namin tuloy ang laban. Kung ito ang maisusukli namin para sa inyo na mabigyan kayo ng magandang palabas at makapagbigay kami ng inspirasyon sa inyo, ibibigay po namin sa inyo ito at sisiguraduhin namin na hindi po namin kayo bibiguin.

Nagapasalamat siya sa patuloy na tumatangkilik ng kanilang serye.

“ Anumang pagsubok ay ating malalampasan, tuloy ang laban, mga Kapamilya,” deklara pa niya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.