Abante Tonite Interactive

Pia nagalingan sa halik ni Gerald

By
4,058

MAY kissing scene sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa romcom movie na My Perfect You.

Kuwento ni Gerald, isa ‘yon sa pinaka-romantic na eksena dahil mahilig siya sa nature at sa outdoor, tapos ay ginawa nila ‘yung kissing scene sa isang element na gustung-gusto ni Ge kaya sobrang natuwa siya.

Kamustang kahalikan ang isang Miss Universe?

“Eh si Abby (pangalan­ ng karakter ni Pia sa movie) ang kahalikan ko eh, hindi naman si Miss Universe,” sagot ng Kapamilya hunk.

“Witty siya du’n!” nakangiting reaksyon ni Pia sa hirit ni Gerald.

Nang si Pia naman ang tanungin namin, ang sabi nito ay okey ang kissing scene nila at hindi sila nagkamali o na-take two ni Direk Cathy Garcia-Molina.
Kumustang kisser si Ge?

“Magaling po siya,” natatawang sagot ni Pia.

“Siyempre, sa experience­ niya sa showbiz, alam niya kung ano ‘yung kiss na tama for TV. So, gina-guide niya rin ako in some way,” naka-smile pang sey ng beauty queen-actress, na TV ang nasabi sa halip na movie.

Kalog at koboy ang description ni Gerald kay Pia, na natuklasan niyang down to earth at sobrang komportableng kasama nang mag-bonding sila sa location shoot nila sa Masinloc, Zambales.

Si Pia na ngayon lang nakilala si Gerald ay mas nakilala pa ang binata dahil nagkakuwentuhan sila sa set. Napansin niyang napaka-gentleman ni Ge at lahat ng babae ay inaalalayan, hindi lang siya.

Showing na ang My Perfect You, sa Miyerkoles, March 14 sa mga sinehan nationwide.

Pamilya Marcos pinasaringan

MATAPANG ang political message ng bagong obra ng master director na si Mike de Leon na Citizen Jake, na pinagbibidahan ni Atom Araullo.

Maraming pinatamaan at pinasaringan ang pelikula, lalo na ang pamilya Marcos.

Ang sabi sa amin ni Atom nang makausap namin siya after ng invitational screening ng movie sa UP Cine Adarna nu’ng Sabado, handa na siya sa kung anumang magiging reaksyon ng publiko sa pelikula.

“I think history is our best teacher. We have gone through that dark period of our history and those stories are taught in school, we build mo­numents to remember the people who sacrificed themselves, their lives, their families, fighting the dictatorship.

“So, that is not up for debate. This is an established historical fact. So, I don’t see anything controversial with that,” bulalas ni Atom na bukod sa artista ay co-writer din ng naturang pelikula.

Sabi ng guwapong Kapuso broadcast journa­list, it’s a work of fiction pero may mga pinagbasehan ito sa totoong buhay.

Naniniwala siyang importanteng mapanood lalo na ng mga millennial ang family drama na ito na may matinding sinasabi tungkol sa politika sa bansa.

Relieved si Atom na natapos na ang film debut niya. He’s very happy and proud na naging part siya ng comeback project ni Direk Mike after­ 18 years.

Aminado si Atom na na-awkward siyang makita ang sarili niyang umaarte sa big screen dahil hindi naman siya artista. In fairness ay napakaguwapo niya sa screen.

Iimbitahan niya ba maging ang Marcoses na manood ng kanyang pelikula?

“Sure, of course!” ang mabilis na sagot sa amin ni Atom.